Christmas wish ni Sarah: Makasama ang mahal ko sa buhay habang ako’y nabubuhay | Bandera

Christmas wish ni Sarah: Makasama ang mahal ko sa buhay habang ako’y nabubuhay

Pauline del Rosario |December 12,2022
facebook
share this

Christmas wish ni Sarah: Makasama ang mahal ko sa buhay habang ako’y nabubuhay

Pauline del Rosario - December 12, 2022 - 11:17 AM

Christmas wish ni Sarah: Makasama ang mahal ko sa buhay habang ako’y nabubuhay

NAGBABALIK entablado na ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo matapos ilabas ang kanyang ilang comeback singles.

Nagtanghal siya ng isang song-and-dance number sa weekend variety show na “ASAP Natin ‘To” na kung saan ay pinerform niya ang bagong kanta na “Dati-Dati.”

Pagkatapos niyan ay nagkaroon pa ng pagkakataon ang singer na magbigay ng mensahe.

Isa na riyan ang pagbubunyag ng tunay na inspirasyon sa kantang “Dati-Dati” na ayon sa kanya ay naisulat niya dahil sa naramdamang kalungkutan habang inaaalala ang dating simpleng buhay.

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang fandom na “Popsters” dahil sa walang humpay na suporta.

“Medyo natagalan po pero nandito naman po ako. Maraming, maraming salamat po sa muling pagtanggap,” sey niya.

Nang tinanong naman siya kung ano ang kanyang hiling sa darating na kapaskuhan, ang sagot niya ay makasama ang mga mahal sa buhay.

Sabi ni Sarah, “Alam na ni Lord ‘yun, [‘yung] makasama ko ang mga mahal ko sa buhay habang buhay — habang ako ay nabubuhay.”

Sa katunayan ay noong Hulyo pa bumalik sa nasabing variety show ang singer pero ang lahat ng kanyang performance ay recorded lamang.

Matatandaan noong October 29 ay ibinandera ni Sarah sa kanyang Instagram ang isang open letter para sa kanyang mga magulang, manager, at sa lahat ng mga taong patuloy na nagbibigay suporta sa kanya.

Ang naging highlight ng kanyang IG post ay ang paghingi ng sorry sa kanyang mga magulang.

Ang nasabing post ay burado na sa kanyang account as of this writing.

Related chika:

Angeline sa Quiapo Church gustong magpakasal, kukuning wedding singer sina Regine at Sarah

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sarah Geronimo bagong version ng sarili ang ipapakita sa madlang pipol: Mas tao na hindi natatakot na…

Sarah G todo-hataw sa pagsayaw sa bagong music video, fans tuwang-tuwa: ‘Walang kupas, walang katulad…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending