Sarah G todo-hataw sa pagsayaw sa bagong music video, fans tuwang-tuwa: ‘Walang kupas, walang katulad…’ | Bandera

Sarah G todo-hataw sa pagsayaw sa bagong music video, fans tuwang-tuwa: ‘Walang kupas, walang katulad…’

Pauline del Rosario |October 30,2022
facebook
share this

Sarah G todo-hataw sa pagsayaw sa bagong music video, fans tuwang-tuwa: ‘Walang kupas, walang katulad…’

Pauline del Rosario - October 30, 2022 - 01:51 PM

Sarah G todo-hataw sa pagsayaw sa bagong music video, fans tuwang-tuwa: ‘Walang kupas, walang katulad…’

PHOTO: Screengrab from Sarah Geronimo’s YouTube music video “Dati Dati”

NAGLABAS ng bagong music video ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo para sa kanyang comeback music na “Dati Dati.”

‘Yan ay matapos mag-viral ang kanyang apology statement para sa kanyang pamilya.

Ang konsepto at storya ng video ay pinag-isipan mismo ng pop singer na hula pa ng kanyang fans ay pagbabalik-tanaw sa kanyang mga nakaraan bago sumikat bilang isang singer.

Mapapanood sa umpisa ng music video ang tila pagiging simple ni Sarah na nakasuot lamang ng polo at pants habang naglalakad sa isang mall.

Nagkaroon din ng transformation ang singer sa kalagitnaan ng video na makikita naman na siya’y todo glam-up at sexy sa kanyang suot.

Sa parte din na ‘yan ng kanyang video ay ipinakita niya ang kanyang swabeng pagsasayaw sa kanta.

Taray ni Sarah, walang kakupas-kupas pa rin sa kanyang mga astig na dance moves, naalala ko tuloy ‘yung nag-viral niyang sayaw sa hit song na “Tala.”

Anyway, nabasa namin ang ilang mga komento sa kanyang music video at makikitang proud na proud at tuwang-tuwa ang kanyang fans.

Narito ang ilan sa aming mga nabasa:

“One good thing about Sarah G is that she always reinvents herself. Aside from that, she doesn’t settle for good but rather aims for excellence. She knows her craft. She knows how to be relevant and how to shock every popster (red heart emoji)️. I love you Queen.”

“Sarah never fails to impress us. She’s really one of a kind and I am so proud that we have her as our only popstar in the Philippines. Her stage presence, looks and voice is phenomenal. She’s a world class talent that we filipinos must be proud of.”

“There’s no question, Sarah G. is the MOTHER and QUEEN of POP here in the Philippines. For almost 20 years she’s been consistently giving us quality music which shows how amazing of an artist she is. This MV is the story of her, from a simple girl to a SUPERSTAR. But despite her fame, glitz and glamour, things are no longer the same. The moment she opened the door after her dance break she saw a different world. Such a great story.”

Nitong Sabado, October 29, nag-trending si Sarah sa social media hindi lang dahil sa bago niyang music video, kundi dahil sa ibinandera niyang open letter para sa kanyang pamilya, manager, at fans.

Kabilang sa mga naging mensahe niya sa post ay ang paghingi ng tawad sa kanyang mga magulang na nasaktan daw niya dahil sa naging desisyon niya sa buhay.

Sabi pa niya na ang kanyang pamilya ang naging inspirasyon niya para bumalik ulit sa musika.

“Sa aking buong Geronimo family, mula noon hanggang ngayon, kayo ang inspirasyon ko sa buhay. Para sa inyo ang aking muling pagyakap sa musika at pagkakataon na muling makapagbigay ng saya at inspirasyon sa ibang tao,” sey niya sa post.

Hindi niya rin pinalampas ang pagkakataon na pasalamatan pati ang kanyang asawa, manager at mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.

As of this writing ay burado na ang nasabing viral apology post ni Sarah.

Read more:

Sarah Geronimo may pa-surprise sa fans, bagong kanta isinulat ni Matteo Guidicelli

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sarah Geronimo nag-sorry kina Mommy Divine at Daddy Delfin: Araw-araw ko po kayong nami-miss at naiisip

Sarah Geronimo ‘honored’ sa pagkakaroon ng billboard sa Times Square, New York

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending