Sarah Geronimo may pa-surprise sa fans, bagong kanta isinulat ni Matteo Guidicelli | Bandera

Sarah Geronimo may pa-surprise sa fans, bagong kanta isinulat ni Matteo Guidicelli

Pauline del Rosario |October 28,2022
facebook
share this

Sarah Geronimo may pa-surprise sa fans, bagong kanta isinulat ni Matteo Guidicelli

Pauline del Rosario - October 28, 2022 - 04:45 PM

Sarah Geronimo may pa-surprise sa fans, bagong kanta isinulat ni Matteo Guidicelli

PHOTO: Instagram/@justsarahgph

ANG bongga naman ng sorpresa ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo para sa kanyang fans!

Naglabas ulit siya ng bagong kanta na pinamagatang “Cuore.”

Ang nakakatuwa pa, talagang all out ang suporta ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli sa pagbabalik niya sa music industry.

Biruin niyo mga ka-bandera, isa rin si Matteo sa mga nag-compose ng kanyang bagong kanta!

Kung mapapakinggan niyo ang kanta, isang upbeat track ang ni-release ng pop star at pagdating sa chorus ay may halo itong Italian lyrics.

Ang salitang “Cuore” ay isang Italian word na ang ibig sabihin sa tagalog ay “puso.”

Ang bagong kanta ay tungkol sa pagnanais ng simpleng buhay kasama ang mahal sa buhay.

Kamakailan naglabas si Sarah ng kanyang comeback music na “Dati-Dati” na kung saan ay naka-collab niya ang international music producers na sina Su Ganade at Dylan Graham.

Si Ganade at Graham ang nagpo-produce ng mga kanta ng ilang sikat na international artists tulad nina Chris Brown, Big Sean, at marami pang iba.

Matatandaang dalawang taon nagpahinga mula sa showbiz ang Popstar Royalty matapos ikasal kay Matteo noong 2020.

Nag-trending din si Sarah recently matapos siyang bumandera sa isang giant digital billboard sa Times Square, New York.

Naging parte siya riyan ng malakihang kampanya na naglalayong i-empower ang mga female artists sa buong mundo sa pamamagitan ng musika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph)

Samantala, kaka-graduate lang din ni Matteo sa isang training course sa ilalim ng Presidential Security Group (PSG).

Dahil diyan, kwalipikado na siyang maging presidential guard at mapasama sa elite force na pinoprotektahan hindi lamang ang pangulo ng Pilipinas, kundi pati na rin ang first family at mga bumibisitang pinuno at lider ng ibang bansa.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#SarahGisBack: Sarah Geronimo naglabas ng music comeback, may pasabog ring new look

Sarah G may bonggang pasabog ‘comeback,’ Popsters abangers na 

Matteo Guidicelli keri maging presidential guard, ‘sharpshooter’ sa PSG training

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending