P1-B nina Ronnie at Loisa nawalang parang bula matapos mabiktima ng Basag Kotse Gang: ‘Nakaka-trauma talaga!’
BUKOD pala sa kanilang mga cellphone na libu-libo ang halaga, nawala ring parang bula ang P1 billion ng Kapamilya couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio matapos mabiktima ng Basag-Kotse Gang.
Naganap ang insidente noong December 1, sa mismong araw ng pormal na pagbubukas ng pag-aari nilang cafe and resto sa isang lugar sa Bacoor, Cavite.
Ayon kina Ronnie at Loisa, talagang nakaka-trauma ang nangyari sa kanila pero nagpapasalamat pa rin sila dahil walang anumang nangyaring masama sa kanila noong araw na yun.
“Galing kami sa isang ganap tapos dumaan kami sa cafe namin, tutal naman ‘yun na ‘yung way namin malapit lang, eh. Parang dumating kami 8 p.m., pasara na ‘yung cafe,” ang pagbabahagi ni Ronnie sa isang panayam.
“Tapos balak namin mag-picture lang ng mga products, mga food, para may ma-post kami sa social media.
“And umalis na kami kagad siguro mga 9 p.m.. Saktong-sakto papasara na ‘yung cafe. Pagbaba namin basag na ‘yung sasakyan,” anang binata.
Nakita pa raw ni Ronnie ang mga suspek matapos basagin ang kanyang kotse sa windshield ng pag-aari niyang Jeep Wrangler Wagon.
“Ang nakakatakot pa du’n is tumambay ako sa terrace sa may labas. May terrace du’n, eh. Nakatitigan ko pa ‘yung bumasag ng sasakyan namin.
“Nakita ko ‘yung mukha. Hindi ko nakitang binasag eh, kaya nu’ng nagkapulis, nu’ng lumapit sa amin, hindi ko ma-explain sa kanila kung ‘yun ba talaga yung bumasag.
“Na-confirm lang nu’ng ni-review na sa CCTV. And hanggang ngayon iniimbestigahan pa rin nila. Hindi pa nahuhuli. Pero sana mahuli kasi ayaw namin na may mabiktima pa siyang iba,” paliwanag pa ni Ronnie.
View this post on Instagram
At bukod nga sa tatlong iPhones, nabanggit ni Ronnie na may P1 billion din silang crypto currency sa natangay na cellphone na hindi na nila ma-retrieve.
“Bangko kasi namin nandu’n. ‘Yung mga naka-save namin. Meron pa kaming crypto sa phone na nawala na may malaking halaga din. Kaya medyo nakakalungkot din.
“Ngayon wala na yung na-save namin. More or less, siguro 1B (pesos). Pag crypto mahirap kasi once na nawala, wala na talaga. So hindi na mabablik,” malungkot na pahayag ng aktor.
Sabi naman ni Loisa, ilang oras din silang nanatili sa police station para i-report ang nangyari, “Hindi na siya nabubuksan kasi nasa cellphone talaga siya, eh.
“Pag nawala na, kasama na yung value. Feeling ko hindi na nila makukuha kasi may password. Ini-report na namin sa bangko pero kapag crypto kasi baka wala na kasi. Hanggang alas-tres ata kami sa police nung time na yun na madaling araw.
“Nakaka-trauma talaga yung experience na yun. Nabenta na yun feeling ko, kasi na-locate yung cellphone namin sa Find My Phone, nandun na sa Festival Mall. Wala na, nabenta na yun. May nakabili na. Pero okay lang, safe na. Huwag na lang maulit,” lahad pa ni Loisa.
Dagdag pang pahayag ni Ronnie, “Kung tutuusin nakakalungkot lang din. Kasi celebrities na kami, kumilos naman sila.
“Paano pa kaya kung mga normal na tao? So medyo nakakalungkot lang kaya hoping pa rin kami na mahuli agad para wala ng ibang mabiktima.
“Kasi kinabukasan na nanagyari sa basag kotse namin is may binasagan ulit sila. Same sasakyan, same tao.
“Nagkaroon na sa cafe namin ng security at naglalagay na rin sila ng CCTV para safe na. Tapos kinausap na rin kami nila na kapag pupunta kami du’n may baranggay na nandun para safe,” chika pa ng aktor.
Ronnie: Wala na kaming paki ni Loisa sa sinasabi ng ibang tao sa amin, basta masaya kaming dalawa
Promise ni Ronnie: Wala na akong ibang hahanapin pa at wala akong balak pakawalan si Loisa!
Loisa, Ronnie ready na nga bang dalhin sa ‘next level’ ang relasyon?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.