Ina ni Mikee Quintos cool na cool sa ‘Jojowain o Totropahin’ challenge, ni-reveal ang celebrity crush: ‘Kapag tiningnan pa lang ako, nalalaglag na ‘yung panty ko’ | Bandera

Ina ni Mikee Quintos cool na cool sa ‘Jojowain o Totropahin’ challenge, ni-reveal ang celebrity crush: ‘Kapag tiningnan pa lang ako, nalalaglag na ‘yung panty ko’

Pauline del Rosario - December 11, 2022 - 02:45 PM

Ina ni Mikee Quintos cool na cool sa ‘Jojowain o Totropahin’ challenge, ni-reveal ang celebrity crush: ‘Kapag tiningnan pa lang ako, nalalaglag na ‘yung panty ko’

PHOTO: Screengrab from Mikee Quintos; YouTube vlog

ISA sa mga trending challenges na madalas gawin ng ilang artista sa kanilang YouTube channels ay ‘yung “Jojowain o Totropahin.”

Kaya naman hindi nagpahuli diyan ang Kapuso actress na si Mikee Quintos na ibinandera kamakailan lang ang pagkasa sa nasabing challenge.

Ang twist nga lang sa kanyang video ay ‘yung mommy niya na si Jocelyn Quintos ang kasama niya sa video

Susyal pa nga ang setup nila dahil ginawa nila ang challenge habang umiinom ng wine at kumakain ng keso.

Caption pa nga ni Mikee sa kanyang YouTube upload, “I had a lot of fun doing this trend for my channel and I enjoyed it even more because of a certain special guest, my one and only Momma! 

“How cool is it to do this with her while having wine and cheese from @boardsnbeyond! Kaya niyo din ba to laruin with your moms, Sweeties? Hahaha Try it!”

Kung mapapanood ang vlog, Ilan lamang sa mga artistang pareho nilang totropahin ay sina Dingdong Dantes, Matteo Guidicelli, Ruru Madrid, at Alden Richards.

Habang ang napagkasunduan nilang nais maging dyowa ay sina Park Seo Jun, pati na rin si Piolo Pascual na talaga naman ay crush na crush ng ina ni Mikee.

Sabi pa nga ni mommy Jo, makalaglag panty ang kagwapuhan ni Piolo at paniguradong matutunaw na raw siya kahit tingnan lang siya ng aktor.

Sey ng mommy sa vlog, “Oh my God, sobrang crush ko ‘yan. Sa mata pa lang, natutunaw na ako sa kanya. Pag tiningnan pa lang ako, nalalaglag na ‘yung panty ko. Ganun ko siyang jojowain. Sobrang ang sexy. Mata pa lang, sobrang sexy na niya talaga.”

Dagdag pa niya, “Crush na crush ko ‘yan. Sa mata pa lang, tunaw na ako sa kanya. So kapag nilapitan ako, baka manginig na ako  nang husto, hindi ko na alam ang gagawin ko kapag katabi ko siya.”

Nang tanungin naman siya ni Mikee kung ano ang huling mensahe niya para kay Piolo.

Ayon naman kay mommy Jo, nais niyang makita nang personal ang heartthrob actor.

“Papa P sana ma-meet kita in person,” aniya.

Maraming fans naman ang natuwa sa bonding moment ng mag-ina at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.

Super ganda ng closeness nila ng Mommy niya (smiling face with hearts emoji)”

“More contents with your mom please! (white heart emoji) Super cool niya bilang mommy (smiling face with hearts emoji) And Content with your sisters please (white heart emoji)”

“Supportive Ang mommy nya sa content ni mikee (smiling face with hearts emojis) keep uploading videos mikee (clapping hands emoji)”

Related chika:

Mikee Quintos nawalan ng passport habang nasa South Korea, hindi agad nakauwi ng Pilipinas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alex Gonzaga, Mikee Morada nagkatampuhan nang makunan ang aktres: ‘Hanggang dulo umaasa pa kasi ako…’

Mikee Quintos muling binuhay ang YouTube channel: I hope to spread happiness and positivity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending