Nico Antonio tampok sa isang Korean action series, hindi makapaniwala sa bagong milestone: Challenging yet fulfilling ang experience sa taping | Bandera

Nico Antonio tampok sa isang Korean action series, hindi makapaniwala sa bagong milestone: Challenging yet fulfilling ang experience sa taping

Reggee Bonoan - December 10, 2022 - 05:59 PM

Nico Antonio nakapasok sa audition ng isang Korean action series, hindi makapaniwala sa bagong milestone: Challenging yet fulfilling ang experience sa taping

Hindi inakala ng character actor na si Nico Antonio na makakapasa siya sa audition para sa isang Korean action series dahil sa pagkakaalam niya ay marami silang nag-audition.

Maging ang nanay niyang si Quantum producer/director Atty. Joji V. Alonso ay nagulat din at hindi napigilan ang sarili na tanungin ang director kung bakit si Nico dahil hindi naman ito sikat sa Pilipinas.

“Then he will be a big star in this series,” sagot daw ng direktor na si Kang Yoon-sung.

Ang audition piece daw ni Nico, “I was asked to do an acting piece.  I was not informed that I needed an acting piece, so, I asked for a few seconds to take something and then I did my skit with Sir John Arcilla kasi ‘yun ang pinaka-recent ko ‘yung sa Big Night and he (direk Kang Yoon-sung) said, ‘that’s good but I need you to do something more serious.’  I said, ‘sir can you give me more time I will search on YouTube?’”

Patuloy pa ng aktor, “I searched then and then I saw my movie “Tandem” (2015) with JM de Guzman tapos naisip kong gawin ‘yung eksena namin ni JM ‘yung nabaril na ako at patay na si Rochelle (Pangilinan), ‘yung wife ko ro’n and then when Mr. Kang said, ‘are you ready?’ and I said ‘yes’

“Then sabi ko, ‘P*t*ng ina! ‘Yung mga tao nagulat at natahimik kasi sobrang lakas ng pagkakasabi ko ng word na ‘yun and then wala ng lines after no’n (puro) mata na lang excruciating pain because I was loosing blood din.

“Then, Mr. Kang, ‘thank you, thank you very much will call you back.’  After one week I had a call back and another week after that gusto nang makipagkita sa akin ng director and the rest is history,” kuwento nito nang makausap namin sa solo presscon niya nitong Huwebes.

Pero kinurek si Nico ng nanay niya dahil same day pala ay tinawagan na siya.

“Hindi ko na maalala ang nangyari, mas memorize pa ng nanay ko ‘yung nangyari sa buhay ko,”natawang sabi ng aktor.

Inamin ni Nico na hindi siya makapaniwala sa pagkakapasok niya sa “Big Bet” Korean action series.

“Alam n’yo ‘yung pakiramdam na nakuha ka pero baka masilat pa rin kasi nangyayari ‘yan sa industriya natin, so, ‘yung utak ko nakuha ako pero ayaw ko pang kapitan kasi baka ma-disappoint ako,” katwiran nito.

Nang mag-audition siya ay hindi alam ni Nico kung ano ang magiging role niya pero may pinabasang script sa kanya at hindi sinabing iyon na pala ang karakter na gagampanan niya sa “Big Bet” na mapapanood na worldwide simula Dec 21, streaming app na Disney+.

Ang katwiran ni direk Kang Yoon-sun kaya niya napili si Nico, I saw Nicos natural acting. I have seen some of Nicos acting footage and I believe he knows what good acting is about. He knows it.”

Limang araw nag-shoot si Nico sa Korea pero naka-lock in siya roon ng 19 days at super sulit daw dahil nakapaglibot siya roon sa mga lugar na hindi niya napuntahan pa.

Pero sa ilang araw niyang pananatili ay puro Subway chicken sandwich lang ang kinain niya dahil bawal siya sa red meat dahil sa gout niya.

Makakasama ni Nico sina Choi Min Sik (Old Boy), Son Suk-ku (The Outlaws 2), Lee Dong-hwi (The Extreme Job), Heo Sung-tae (Squid Game) at Kim Joo-ryung (Squid Game) sa naturang Disney+ original series tungkol sa hari ng casino na si Cha Mu-Sik (Min Sik), na iikot ang mundo matapos masangkot sa isang murder case.

Ako dito si Mark Flores, isang CIDG operative na naatasang imbestigahan ang mga nangyayaring pagpatay sa Korean citizens dito sa Pilipinas,” saad ni Nico.

Ang kuwento ng “Big Bet” ay inspired sa kakilalang Korean casino owner ng bida sa bansa. Matapos makilala ang mga tao sa paligid nito, naisipan niyang gumawa ng kuwento at gawin itong isang drama series.

I always wanted to work on a drama series, featuring a long story. And I thought delivering Big Bet’ with two different parts was an appropriate choice for the viewers to enjoy the series,” sabi ni Yoon-sung.

Nang tanungin tungkol sa kanyang experience, inilarawan ito ni Nico bilang challenging yet fulfilling” lalo pa kung isa kang Pinoy actor na nakakatrabaho ang ilan sa pinaka professional na mga aktor at pinaka experienced na production crew.

You have to be on your toes always. Yung mga aktor na katrabaho ko lahat sila ready pagdating sa set.”

Samantala, pagdating naman sa pakikipag eksena kay Min Sik na isa sa tinitingalang aktor ni Nico, masasabi niya na magaan ito katrabaho

Dama mo rin talaga na in character siya kaya dapat attentive ka din sa character mo,”sambit ng aktor.

Overall, proud si Nico hindi lang sa kanyang performance kung hindi sa lahat ng kapwa Pinoy actors nya na naging bahagi ng Big Bet.

Hindi naman tayo napahiya. Naitayo naman natin ang bandera ng Pilipinas,” saad pa.

Ang direktor na si Yoon-sung ay masaya sa naging performance ng mga Pinoy actor lalo na kay Nico.

“I’m very happy to work with Filipino actors and staff for three months. I couldn’t make this series without their dedication. Nico definitely did well. I could imagine who Mark was when Nico first played his role in shooting. He is an amazing actor,” say pa ng direktor.

Naibahagi ni Nico na sobrang tumbling siya sa project niyang ito dahil ang dami raw pera ng production dahil kinunan siya ng isang eksena lang sa buong maghapon.  Kaya masasabing bale wala sa kanila ang gastos basta’t perfect ang pagkaka-shoot ng particular scene.

‘Yung ginawang hotel-casino ay mock-up lang na kinunan sa Subic kaya sobrang bilib ng aktor dahil hindi uso ang pagtitipid sa kanila.  Umabot sa $1B ang gastos ng “Big Bet.”

Ang “Big Bet “ang pinakamalaking acting break sa ngayon ni Nico matapos ang kanyang 19 years sa showbiz. Nagsimula siya bilang talent sa “Panday” na pinagbibidahan ni Jericho Rosales, at patuloy gumanap sa ibat ibang papel sa telebisyon at maging sa mainstream at independent cinemas. Isa sa pinakatumatak niyang roles ay ang karakter ni Tolayts sa top rating ABS-CBN serye na On the Wings of Love.”

Lingid sa kaalaman ng marami na si Nico ay nag aral ng abogasya sa San Beda College at San Sebastian College at nakapagtapos ng AB European Studies sa Ateneo De Manila University.

Minsan ko ng pinag-isipan noon kung law o acting ba ang i-pupursue ko pero acting talaga ang sinisigaw ng puso ko,” sabi ni Nico.

Related chika:

Lovelife hugot ni Paolo: Pag nagmahal ka itodo mo na, hindi mo alam kung kailan ka mawawala sa mundo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Solenn Heussaff nakumpirmang buntis sa 2nd baby gamit ang hi-tech X-ray app sa cellphone ni Nico Bolzico

Nico Antonio walang keber sa paulit-ulit na pagganap na bading: Proud ako sa ginagawa ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending