Nico Antonio walang keber sa paulit-ulit na pagganap na bading: Proud ako sa ginagawa ko | Bandera

Nico Antonio walang keber sa paulit-ulit na pagganap na bading: Proud ako sa ginagawa ko

Reggee Bonoan - October 11, 2022 - 08:08 AM

Nico Antonio walang keber sa paulit-ulit na pagganap na bading: Proud ako sa ginagawa ko

Nico Antonio

WALANG issue at kaarte-arte ang aktor na si Nico Antonio kapag gumaganap siyang miyembro ng LGBTQ sa mga pelikula at teleserye dahil confident naman siya sa kanyang sarili.

May asawa at dalawang anak si Nico na pawang bata pa kaya hindi nila napapanood ang series at movies ng papa nila.

Naiintindihan din ng wife ni Nico ang trabaho niya at para sa kanya, it’s just a role and she trusts her husbands’ decisions sa mga karakter na ginagampanan nito.

Sa Teatro galing si Nico at ang training at paniniwala niya ay, “the body is your tool for acting.”

Isa si Nico sa cast ng “He Must Choose” episode ng “Love Bites” na napapanood sa ABS-CBN YouTube channel kasama sina Sky Quizon at Genesis Redido.

Kuwento ng aktor, “Matagal ko nang ginagawa maging part ng LGBTQ since 2009. I can say na proud ako na ginagawa ko siya kasi nakaka-inspire siya ng mga taong walang voice.

“Lalo na sa laylayan, ‘yun bang mai-inspire na tipong kahit nandito ako sa katayuan ko, kapag napapanood ko ‘yung nami-mirror ‘yung buhay ko sa kanila. ‘Yung ganu’n.

“Tapos hindi na ako mahihiya, wala na ‘yung word na coming out. It’s normal. Na pag nakita ng tatay at nanay mo na you’re gay, it’s okay. Because love is love,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Antonio (@welovetolayts)


Love triangle ang kuwento ng “He Must Choose” pero sa totoong buhay ay hindi ganu’n ang aktor at sadyang umiiwas siya sa mga ganu’ng klaseng relasyon.

Katwiran niya, “Ayoko mapunta sa isang triangle. Sakit sa ulo ‘yun, eh. Bilang may edad na nga ako, masakit sa ulo mapunta sa isang triangle relationship kasi nga mamimili at mamimili ka talaga. Hindi ka puwedeng mamangka sa dalawang ilog.

“Pag nasa sitwasyon ka na ganu’n, sobrang pag nagmamahal kasi ako, pag mahal mo ‘yung tao binibigay mo lahat, no matter kung sumosobra na ba. Lahat parang willing kang ibigay, na parang ibinuhos ko na.

“Pero ang lesson ko rito is huwag kang magmamahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba. Kasi wala ka talagang kasiguraduhan kung magwo-work ba. Ang love kasi nagsisimula ‘yan na maliwanag, masaya.

“Kasi new journey. You are going through an experience with another person na galak na galak kang makasama sa buhay. Then it will come into a phase na parang nagkakaroon kayo ng misunderstanding tapos nagkakaroon ng hilig na iba,” pahayag ng aktor.

“So doon sa part na ‘yun dumidilim. But it doesn’t necessarily mean that you keep it dim. Dapat ilawan mo ulit, ganyan. Parang kandila di ba?” dagdag ni Nico.

Samantala, nagpapasalamat naman ang aktor na nabibigyan ngayon ng highlight ang mga LGBTQ relationships sa mga pelikula at serye.

“Salamat hindi lang sa paggawa ng ganitong kuwento kundi sa pagpili sa amin para gumanap ng mga ganitong klaseng roles. Maraming salamat po,” sambit ng aktor.

Ang “Love Bites” ay napapanood eksklusibo sa YouTube channel ng ABS-CBN tuwing Biyernes sa ganap na 8 p.m..

https://bandera.inquirer.net/291810/lovelife-hugot-ni-paolo-pag-nagmahal-ka-itodo-mo-na-hindi-mo-alam-kung-kailan-ka-mawawala-sa-mundo

https://bandera.inquirer.net/291739/mikael-gusto-uling-makatrabaho-sina-bitoy-paolo-at-antonio-pero-sana-sa-drama-para-maiba

https://bandera.inquirer.net/317532/solenn-heussaff-nakumpirmang-buntis-sa-2nd-baby-gamit-ang-hi-tech-x-ray-app-sa-cellphone-ni-nico-bolzico

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290698/kisses-delavin-payag-sa-pagsali-ng-mga-transwomen-sa-miss-universe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending