Vivoree Esclito maraming natutunan sa 'Tara, G!': Ang importante diyan, marunong tayong magpatawad | Bandera

Vivoree Esclito maraming natutunan sa ‘Tara, G!’: Ang importante diyan, marunong tayong magpatawad

Alex Brosas - December 08, 2022 - 07:59 PM

Vivoree Esclito maraming natutunan sa 'Tara, G!': Ang importante diyan, marunomn tayong magpatawad

MARAMING natutunan si Vivoree Esclito sa role niya as Jengjeng sa “Tara, G!” pero ang hindi niya natutunan ay ang sumuko.

“Kay Jengjeng, I did not learn to give up sa mga friends ko sa La Guerta,” say ni Vivoree sa finale mediacon at watch party for the show.

Actually, maraming natutunan si Vivoree pagkabasa pa lang niya ng script.

“Ako, personally, I think I’ve grown so much hindi lang as an actress kundi as a person kasi I’ve learned so much from the story. May mga ganitong tao pala na nagtutulungan. May mga magbabarkada na tine-treasure ‘yung friendship nila at hindi sila nag-iiwanan,” say niya.

Actually, nabuo ang magandang samahan ng team Wise na kinabibilangan nina Anthony Jennings as Rocky, Daniela Stranner as Cars, JC Alcantara as Dan, Kaori Oinuma as Legs, CJ Salonga as Smith and Zach Castañeda as Will.

At dahil din sa kanyang character, naging mas friendly at mas tumibay ang friendship ni Vivoree sa kanyang mga kasamahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @vivoree

“Ako rin, as a person hinahanap ko ‘yun. I became that friend din sa isang tao. So, sobra talaga akong nag-grow as a person. That’s one thing that I will cherish,” say ng dalaga.

Super grateful si Vivoree dahil marami pa siyang natutunan along the way during the taping on the series.

“Marami talaga akong learnings na natutunan. Lahat tayo may shortcomings. Lahat tayo may pagkukulang bilang anak, nanay, tatay, kapatid. Mayroon tayong mga shortcomings kasi tao lang tayo,” say niya.

Pero ang mahalaga, according to her, ay matuto ang bawat isa na magpatawad and umunawa.

“Ang importante diyan, marunong tayong magpatawad at marunong tayong umintindi and at the same time we should meet halfway. Hindi naman puwedeng ‘yung isang tao lang ang nag-e-effort, dapat dalawa kayong nag-e-effort,” say ni Vivoree.

Sa kasalukuyang kwento ng “Tara, G!” nadurog ang puso ng Team WISE matapos tanggapin ni Rocky ang alok ni Gov (Dominic Ochoa) na pag-aralin muna siya imbes na ituloy agad ang negosyo nilang “Kape’t Kamay.” Bukod sa paglalambing ni Rocky sa kanyang barkada, gusto na rin niyang suyuin ang sikreto niyang crush na si Cars (Daniela).

Pero hindi lang sina Rocky at Cars ang magpapakilig sa finale episode dahil pursigido na talaga si Dan (JC) na makuha ang matagal na niyang inaasam na matamis na ‘oo’ ni Legs (Kaori). Mabubuo pa kaya ang Team WISE at magtagumpay sa “Kape’t Kamay”? Magkaka-happy ending ba sina Rocky at Cars, pati na rin sina Dan at Legs?

Abangan ang finale episode ng “Tara, G!” ngayong Biyernes (Disyembre 9), 8 PM (Manila time). Libre itong napapanood sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com) at available rin ito sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas.

Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang “watch now, no registration needed” feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vivoree Esclito nabiktima rin ng sindikato sa socmed; ginamit ng mga scammer para manloko

Vivoree Esclito inuulan ng blessings: Hindi ko alam kung anong ginawa ko to deserve all of these

Vivoree Esclito ilang beses nang nasawi sa pag-ibig: Ngayon, sobrang importante talaga sa akin yung self-care

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending