Nakakalokang hirit ni Donnalyn Bartolome kay Zeinab Harake: 'Tayo na lang ba?' | Bandera

Nakakalokang hirit ni Donnalyn Bartolome kay Zeinab Harake: ‘Tayo na lang ba?’

Ervin Santiago |March 02,2023
facebook
share this

Nakakalokang hirit ni Donnalyn Bartolome kay Zeinab Harake: ‘Tayo na lang ba?’

Ervin Santiago - March 02, 2023 - 06:34 AM

Nakakalokang hirit ni Donnalyn Bartolome kay Zeinab Harake: 'Tayo na lang ba?'

Zeinab Harake at Donnalyn Bartolome

BENTANG-BENTA ang nakakalokang hirit ng kontrobersyal na aktres at content creator na si Donnalyn Bartolome sa kapwa vlogger at kaibigan niyang si Zeinab Harake.

Kinilig nang bonggang-bongga ang mga tagasuporta ng dalawang social media influencer sa paandar na “one-liner” hugot ni Donnalyn kalakip ang sweet photo nila together.

Sa kanyang Instagram story, nag-post si Donnalyn ng litrato nila ni Zeinab na may nakakaintrigang text caption na, “Tayo na lang ba?”

Sinakyan naman ito ni Zeinab at sinagot ang tanong ni Donnalyn. Ni-repost niya sa kanyang IG Story ang litratong ibinahagi ng kaibigan sabay sabing, “Matagal ng sayo puso ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake


Sandamakmak na netizens ang nag-react sa palitan ng mensahe ng dalawang YouTuber at karamihan sa mga ito ay nagsabing baka naman pwede silang gumawa “Girl’s Love” o GL series na usung-uso ngayon.

Tutal naman daw ay pareho silang single ngayon kaya pwedeng-pwede silang magbida sa isang lesbian o LGBTQIA+ project dahil wala silang iisipin o iko-consider na dyowa.

Kung matatandaan pinakilig na rin nina Zeinab at Donnalyn ang madlang pipol nang batiin ng una ang kaibigan noong kaarawan nito sa pamamagitan ng isang super sweet message.

“Happy birthday to my fav person i love you always and forever ate @donna deserve mo lahat ng magagandang bagay sa mundong to wishing u all the very best dito lang ako palaging sisigaw na proud na proud sayo,” ang mensahe ni Zeinab kay Donnalyn.

* * *

Palaban na ang dating “Pinoy Big Brother: Lucky 7” housemate na si Vivoree sa larangan ng pag-ibig at paglalahad ng totoong damdamin sa kanyang bagong single na pinamagatang “Matapang.”

“It’s a song about being brave in love. Let’s say may gusto ka sa isang tao or mahal mo yung isang tao, nung una ‘di mo alam kung paano i-express [yung feelings] at takot ka pa. Pero in the long run, you’d have the courage to admit yourself na ‘okay gusto ko itong taong ‘to’,” ani Vivoree.

Si Danielle Balagtas ang sumulat ng kanta na iprinodyus ni Ashley Aunor. Inilabas naman ito sa ilalim ng Star Music.

Patikim ito sa kanyang solo EP na nakatakdang ilabas ngayong taon. Dagdag pa niya, ibang Vivoree ang dapat abangan sa kanyang mga bagong awitin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @vivoree


“Yung mga songs ko before and the way I project myself, iba talaga kasi inosenteng Vivoree pa yung nakilala ng mga tao. This time it’s a different version of me, mas matapang at mas may strength na to speak up for herself and her personal experiences,” saad niya.

Sa kalagitnaan ng kanyang “PBB” journey, isinulat ni Vivoree ang kanyang unang single na “Kaya Pa” na kanyang inawit habang nasa “PBB” house. Nakipag-collab din siya sa dating Hashtags member na si Charles Kieron para sa kanilang digital album na “CK & Vivoree” na inilabas noong 2019. Nakasama naman niya si Jon Guelas para sa duet version ng “Did I Let You Go” na inilabas noong nakaraang taon.

Bukod sa kanyang music career, bumida rin si Vivoree sa iba’t ibang serye tulad ng IWantTFC series na “Hello Stranger,” “Tara, G!” at “He’s Into Her.”

Pakinggan ang awiting “Matapang” ni Vivoree na available na ngayon sa iba’t ibang digital platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Vivoree Esclito maraming natutunan sa ‘Tara, G!’: Ang importante diyan, marunong tayong magpatawad

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vivoree Esclito inuulan ng blessings: Hindi ko alam kung anong ginawa ko to deserve all of these

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending