2 patay sa magkasunod na ‘hit-and-run’ incident | Bandera

2 patay sa magkasunod na ‘hit-and-run’ incident

Pauline del Rosario - December 03, 2022 - 03:20 PM

2 patay sa magkasunod na ‘hit-and-run’ incident

DALAWA ang patay at dalawa rin ang sugatan sa magkahiwalay na “hit-and-run” incident nitong linggo.

Noong Biyernes, December 2, nasawi ang 31-year-old na rider habang sugatan naman ang kanyang back-rider matapos mabangga ng isang delivery truck.

Nangyari ang insidente ng alas-nuwebe nang gabi sa bayan ng Alicia sa probinsya ng Isabela, ayon sa mga pulis.

Ayon sa investigation report ng mga awtoridad, ang namatay ay kinilala bilang si Federico Rico at ang kanyang angkas ay si Shiela Mae Rodillas.

Pauwi na raw ang dalawang biktima sa kanilang bahay sa Isabela nang biglang nag-overtake ang delivery truck sa kasunod nitong kotse at nahagip na nga ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Kaagad namang dinala sa malapit na ospital si Shiela.

Ang driver ng truck ay kasalukuyang hinahanap pa ng mga pulisya dahil ito ay tumakas matapos ang insidente.

Halos kapareho rin ang nangyari sa probinsya ng Quezon na kung saan ay nasawi naman ang babaeng back-rider at may serious injuries naman ang motorcycle driver.

Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap nitong Sabado, December 3, 2:30 a.m. sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bayan ng Candelaria.

Ang nasawi ay kinilala bilang si Margeon Maghirang, 30 years old.

Ang nasabing motor ay nabangga naman ng isang kotse.

Sinabi din ng mga pulis na walang suot na helmet ang dalawang biktima.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nangyaring hit-and-run incident sa Isabela at Quezon.

Read more:

OCTA: COVID-19 cases per week sa Metro Manila tumaas ng 56%

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

PCG haharangin ang mga Badjao, ‘passenger background check’ ipatutupad

Voter registration aarangkada na ulit ngayong Disyembre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending