Bea – Isang restaurant staff na rumaraket bilang isang online English tutor para makaipon at magkabahay
Anong trabaho ang kaya mong pasukin para makaipon at magkabahay?
“Rumaraket po ako bilang isang online English tutor para may pandagdag sa sahod ko bilang restaurant staff”, ito ang sagot ni Bea, 27, mula sa Alaminos, Laguna. “Pangarap ko po kasi talagang magkabahay, kaya dumodoble-kayod ako”, dagdag pa niya.
Ikinuwento ni Bea na noon ay nakikitira lamang sila sa kanilang kamag-anak dahil hindi kaya ng mga magulang niya ang magbayad ng renta. Ang kinikita ng nanay nila sa paglalabada at ng tatay nila sa pagda-drive ng jeep ay napupunta lang sa ambag nila sa pambayad ng kuryente at tubig, sa pagkain, at sa mga gastusin nilang tatlong magkakapatid sa paaralan. Walang naitatabing pera para makapagpundar ng sarili nilang bahay.
“Ipinangako ko sa sarili ko na balang araw ay magkakabahay kami, para di na namin kailangang makitira pa sa mga kamag-anak namin. Libre lang naman ang mangarap, di ba?”, pagbibiro niya.
Ngayon, maaaring matupad na ni Bea ang pangako niya sa sarili. Sa BellaVita, Sakto sa Bulsa at abot-kaya ang buwanang hulog. “Yung beautiful life na pangarap ko dati, magkakatotoo na!”, naluluhang kwento ni Bea.
Para sa mga katulad ni Bea, may payment terms ang BellaVita na tiyak na magpapagaan ng pagbabayad. Swak sa budget ang reservation fee na nasa Php 3,500 hanggang Php 5,000 lang, depende sa unit na mapipili. Kung downpayment naman ang pag-uusapan, puwede itong hulugan sa loob nang 18 months.
Hindi na rin kailangang mag-alala dahil ilang buwan bago makumpleto ang pagbabayad ng downpayment ay maaari nang magpa-approve ng housing loan sa bangko o sa Pag-IBIG Fund para mabayaran ang natitirang balanse. Kung ma-approve ang loan sa Pag-IBIG, ang minimum na monthly amortization ay Php 1,887 lang! Kaya talagang malaking tulong ito para sa mga kumikita ng buwanang sahod na Php 12,000 pababa, gaya ni Bea.
Kung ikaw ay tulad ni Bea at ng marami pang Pilipinong nangangarap na magkaroon ng sariling bahay, tunay na Sakto Sa ‘yo ang BellaVita!
Para sa iba pang mga detalye, bisitahin ang BellaVita social media channel o tumawag sa 0917 853 5937 o 0917 826 9451.
ADVT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.