HINDI guwapo pero charming at mabait si Buboy Villar kaya naintindihan na namin kung bakit may mga babaeng nahuhumaling sa kanya.
Unang beses kasi naming naka-face to face ang GMA artist sa ginanap na advance screening ng pelikulang “Ang Kwento ni Makoy” na ginanap sa Gateway Cinema 4 kamakailan at aliw na aliw kami sa kanyang mga sagot ng media.
Tinutukso kasi si Buboy sa leading lady niya sa “Ang Kwento ni Makoy” na si Bella Thompson na natutuwa sa kanya at may mga pahaging na “malay natin” sa tanong kung posibleng ma-fall ang baguhang aktres sa aktor.
Sagot ni Buboy, “First time kong (malaman) na may kinikilig pala sa akin. Hindi ko akalain, sabi ng likod ko nga, ‘parang si John Lloyd (Cruz) ah, ha, ha, ha.
“Actually, nagagandahan naman talaga ako kay Bella, wala naman pong halong biro ‘yun (may sumigaw na kamukha siya ng ex o nanay ng mga anak ni Buboy).
“Iba ang saya na ibinibigay sa akin ni Ched (Bella) kapag ako si Makoy. Iba ang kilig ko pag nandiyan si Ched, espesyal si Ched sa akin.
“Pero single father ako kaya hindi ko na alam ang pakiramdam ng kilig sa totoo lang, siguro araw-araw akong kinikilig pag may kasama akong espesyal someone, siguro happy po ako ngayon, happy ako sa career ko, happy ako sa nanay ng mga anak ko kasi happy kami at malalaki na ang mga anak ko.”
Oo nga may chemistry sila ni Bella sa “Ang Kwento ni Makoy” bilang male nurse na napalambot niya ang puso ng pasyenteng may covid na sobrang taray.
Naka PPE, face mask at face shield kasi ang suot ni Makoy (Buboy) at noong kinailangan na niyang ipakita kay Ched (Bella) ang mukha niya ay may pa-slow motion kaya tawanan ang lahat at may kilig talaga.
Tawa naman ng tawa si Buboy, “ang galing ni direk (HJCP). Imagine parang gripo ang pawis ko dahil buong araw kaming nakasuot.”
Kinunan ang pelikula sa kasagsagan ng covid pandemic at ayon kay direk HJCP ay true to life story ito.
“I saw video before like this one guy saying goodbye to his girlfriend na kailangan niyang maging happy sa video but it’s really a very bad-bad scenario talaga. Ang lakas ng dating sa akin no’n aside from other stories that we hear that time, so, na-inspire ako sa mga ganu’n story and we shoot (movie) early January of this year.
“Actually, we shot this at the height of covid and most of the scenes we really need to build kaya napaka-struggle sa amin,” paliwanag ng direkto.
Gustong ipakita ng direktor ang mga hirap ng frontliners natin during the height of COVID 19 na matapos maibalita sa mga news ay wala na, kaya ginawa itong pelikula para kapag napanood ay muling maalala o manumbalik sa lahat ng nagka-covid o mga kaanak ang hirap na dinaanan ng bawa’t isa kaya ang mga ito ang naging hero sa panahon ng pandemya.
Labis namang nagpapasalamat si Buboy dahil hindi niya naranasang magkaroon ng covid, “thank God po parang aspalto ang immunte system ko, hindi naman nangyari.”
Ayon kay Buboy sa kasagsagan ng pandemya ay aminado ang aktor na naalarma siya lalo’t may dalawa siyang anak.
“Sa 2nd at 3rd week po, naalarma na ako kasi wala na akong trabaho, ha, ha. May mga negoayong nawala rin. Ako po ay palaban na bata at ama dahil hindi ako nagpaluklok sa kalungkutan dahil gumawa ako ng paraan para magpasaya at sumaya. Gumawa ako ng paraan para kumita ako. Nu’ng nalulungkot ako kinakausap ko ang pamilya ko,” kuwento ni Buboy.
Samantala, grateful si Bella dahil binigyan siya ng pagkakataong maging leading lady sa “Ang Kwento ni Makoy” dahil ito ang una niyang pelikula.
“Nag-audition po ako rito, pero ito ‘yung time na nagsabi ako sa manager ko na uuwi na ako ng Cebu kasi wala naman akong ginagawa dito sa Manila. During that time kasi pandemic, walang trabaho, mga workshops nag-stop din, so sabi ko uwi na ako.
Tapos nu’ng audition ang hiningi lang umiyak ako, so, madali lang.
“Nu’ng nalaman kong si Buboy ang kasama ko, (natuwa) ako kasi pinapanood ko ‘yung vlog nila ni Jelai (Andres) fan ako.
“Kaya nu’ng nagkita kami iyon talaga ang tanong ko, kayo ba ni Jelai tapos sabi niya hindi then nalaman ko na Bisaya din siya (Buboy). I saw his films noon pa Kid Kulafu at nabilib ako talaga. So happy to work with him,”kuwento ng baguhang aktres.
Anyway, mapapanood na ang “Ang Kuwento ni Makoy” sa December 7 sa mga sinehan mula sa direksyon ni HJCP at produced ng Masaya Studio.
Kasama rin sa cast ng pelikula sina Ellan Villafuerte, Jimson Buenagua, Angelita Loresco, Jonna Medallada Sibonga, Ranz Aganan, Kenneth Mangurit, Caroline Perla, at Kharyl Shanti Ibnohasim.
Related Chika:
Buboy Villar sinorpresa ni Jelai Andres: Ano to suhol para ma-inlove ako sa ‘yo?
Buboy Villar ginugulpi noong bata: Isinumpa ko po yung tatay ko dati…
Buboy Villar sa bonggang transformation ni Herlene Budol: Huwaw! Ibang-iba ka na ngayon!