Mel Tiangco inaming hindi matatalo ang ‘Maalaala Mo Kaya’: It is a class of its own

Mel Tiangco inaming hindi matatalo ang 'Maalaala Mo Kaya': It is a class of its own
AMINADO ang veteran news anchor na si Mel Tiangco na walang makakapalit sa Kapamilya drama anthology na “Maalaala Mo Kaya”.

Ito ay base sa naging interview niya sa kolumnistang si Salve Asis kung saan natanong siya sa recent media conference ng “Magpakailanman” patungkol sa nalalapit na pagtatapos ng Kapamilya show.

“I hope it’s not true because walang makakapalit sa Maalaala Mo Kaya. It is a class of its own,” saad ni Mel.

Malungkot rin ang veteran news anchor at host ng Kapuso drama anthology na “Magpakailanman” at umaasang hindi totoo ang kanyang nabalitaan.

Inalala pa nga ni Mel ang mga panahon na naging magkatapatan ang kanilang programa ni Charo Santos-Concio.

Aminado siya na mahirap talagang talunin ang TV ratings ng naturang programa.

“Talagang hindi biro ‘yung pagka natapat ka noon sa Maalaala Mo Kaya… Naku! Magdasal ka na sa lahat ng santo. Hindi maaano yan, hindi mo matatalo,” lahad ni Mel.

“I don’t like that… I don’t like that… kasi ano na ‘yang Maalaala Mo Kaya… classic na kumbaga,” dagdag pa niya.

Pero nang tanungin si Mel kung bakit nito sinubukang tapatan pa rin ang time slot ng Kapamilya show ay natatawa itong sumagot.

“Makapal ang mukha ko, e!” natatawang sagot nito.

Sa kabila nito ay talaga namang naging matatag rin ang show niyang “Magpakailanman” na 20 years na rin umeere sa telebisyon.

Matatandaang nitong buwan lang nang inanunsyo na nga ang pamamaalam ng “Maalaala Mo Kaya” at ang huling episode nito ay ipapalabas sa December 10.

Una itong umere noong May 1991 at ito nga ang tinaguriang longest-running drama anthology sa Asia.

Related Chika:
‘MMK’ tatapusin na sa Disyembre, Charo Santos nagpaalam: Salamat po sa lahat ng nakaraan…

Karen Davila, Mel Tiangco ginisa ang Comelec officials sa nangyaring aberya sa halalan

Christine Bersola tinuksu-tukso noon ni Mel Tiangco kay Julius Babao: At ayun na nga, nagkatuluyan kami!

Mel umaming tinamaan din ng COVID, hindi pa nakakausap si Mike; Bea bibida sa anniversary horror episode ng #MPK

Read more...