Maja Salvador may chance nga bang ma-extend ang special participation sa ‘The Iron Heart’?
POSIBLE kayang ma-extend ang mga eksena ni Maja Salvador bilang ‘special participation’ sa TV series na “The Iron Heart” ni Richard Gutierrez bilang kasintahan nito?
Lalo na ngayon na dalawang linggo palang umeere ang seryeng ito ni Richard ay pinag-uusapan na kaagad ito dahil sa action scenes niya na sabi nga ni Pepe Herrera sa karakter na Poseidon, ‘Ikaw ba si Thor?’
Kaya namin naitanong ay dahil patapos na ang sitcom ni Maja na “Oh My Korona” na napapanood sa TV5 at sa online platform nito.
Nabanggit kasi sa mediacon ng “The Iron Heart” na kaya special participation si Maja bilang special woman ni Richard ay dahil abala ito dahil marami siyang shows na totoo naman dahil sa sitcom nga niyang OMK at bilang producer din ng programa iba pa ‘yung napapanood siya weekly sa “Eat Bulaga”.
Hindi nga naman kakayanin ng aktres ang segue-segue tapings lalo’t naka-bubble ang TIH.
Anyway, aabangan na ang Oh My Katapusan, The Final Act ng “Oh My Korona” na sa loob ng 16 weeks na pinatawa ng aktres ang Kapatid viewers ay naaliw sila sa karakter ni Lablab (Maja) at boarders ng Korona Residences.
Ngayong finale na ng “Oh My Korona”, kailangang matutunan ni Lablab na patawarin ang kanyang amang si Alex (Dennis Padilla) para tuluyan na niyang masundan ang yapak ng kanyang ina sa pagiging isang movie star.
Kailangan ding maging tapat si Lablab sa kanyang tunay na nararamdaman para kay Tim (RK Bagatsing).
Sa gitna nito, ang mga boarders na sina Gerry (Pooh), Marga (Kakai Baustista), Kobe (Thou Reyes), Emy (Queenay Mercado), Layla (Christine Samson), Betchay (Jai Agpangan), at JM (Guel Espina) ay mas malalapit naman sa kanilang pangarap na maging tunay na celebrities.
Kaya abangan ang hilarious yet heartwarming finale ng “Oh My Korona” sa Sabado, November 26, 7:30PM sa TV5 at maari ring mapanood ang full episodes sa CignalPlay.
View this post on Instagram
* * *
Kanya-kanyang labasan na ng trailer ng mga pelikulang finalist sa Metro Manila Film Festival 2022 na mapapanood simula sa Disyembre 25.
Halos lahat ay magaganda base sa mga napanood namin sa social media lalo na ang Family Matters na humamig na ng mahigit 22M views sa combined platforms.
At hindi naman nagpahuli ang horror films na “Nanahimik ang Gabi” mula sa Rein Entertainment na pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo, at Mon Confiado.
Ang “Nanahimik Ang Gabi” ay tungkol sa magkasintahan na patagong nagkita sa isang liblib na mansyon. Ang isang gabi na dapat ay puno ng mainit na pagmamahalan ay mabilis na nabalot sa karahasan at katatakutan nang pasukin sila ng hindi inaasahan.
Ang suspense-thriller na ito ay mula sa panulat at direksyon ni Shugo Praico. Siya rin ang direktor ng socio-political series na “Bagman” at LGBTQ+ series na “Betcin” na parehong kinilala sa Asian Academy Creative Awards noong 2020 at ngayong taon.
Ito ang unang pagkakataon na kabilang ang Rein Entertainment sa hanay ng mga pelikulang kabilang sa MMFF. Noong Hulyo ay inanunsyong isa ito sa unang apat na pelikulang napili para sa festival kasama ang “Labyu with an Accent “nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria, “Partners in Crime” ni Vice Ganda at Ivana Alawi, at “The Teacher” ni Toni Gonzaga at Joey de Leon.
“Atin pong ibalik ang Paskuhang tradisyon na pagtangkilik sa pelikulang Pilipino. Sama-sama tayong matawa, maiyak, matakot at mabigyang inspirasyon sa iba’t ibang pelikula na dala ng MMFF,” say ni Direk Lino Cayetano na isa sa mga producer ng pelikula.
Mapapanuod ang official trailer ng “Nanahimik ang Gabi” sa social media sites ng Rein Entertainment sa: https://fb.watch/gWXogc6nd8/ at https://youtu.be/W1QkufWBIiQ at ang hashtag ay #NanahimikAngGabi ngayong Pasko na sa #MMFFBalikSaya2022.
Related Chika:
Maja Salvador kinabahan sa ‘Oh My Korona’, aminadong hindi forte ang comedy
Kyle Echarri, Maja Salvador, Richard Gutierrez puring-puri sa pag-arte sa ‘The Iron Heart’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.