Maja Salvador kinabahan sa ‘Oh My Korona’, aminadong hindi forte ang comedy
MAMAYANG 7:30PM (Sabado) na mapapanood ang pilot episode ng “Oh My Korona”, ang bagong sitcom ni Maja Salvador sa TV5 na unang line production venture ng Crown Artist Management ng fiancé nitong si Rambo Nuñez.
Bago ang virtual mediacon nitong Myerkoles ay nagkaroon muna ng screening na nag-isip pa kami kung panonoorin namin ito dahil sumabay sa oras ng deadline ang event.
Pero dahil napanood na namin siya sa “Nino Nina” kasama sina Noel Comia Jr, Moi Marcampo at Empoy Marquez ay okay ang mga bitaw niya para matawa ang manonood kaya sige watch kami ng “Oh My Korona” at hindi kami nagsisi.
View this post on Instagram
Nagpadala kami ng mensahe sa taga-Media Xchange na tumawag ng event na, “in fairness natatawa kami, huh. hindi hard sell si Maja.”
Totoo nga, tinanong pa na namin kung may script ang “Oh My Korona” kasi tingin ko parang puro adlib lang sina Maja, Pooh at ‘Tsong Joey Marquez, eh.
Kasi pala concept ito nina Pooh, Maja at Rambo over tsikahan blues bilang magkakaibigan with the guidance of Tsong Joey.
Kaya pinagsama-sama ng mga nabanggit ang mga ideya nila, isinama pa ang ibang cast na may kanya-kanyang inputs din, e, mage-enjoy and relax ka na nga lang sa “Oh My Korona” habang kumakain ka ng popcorn sa bahay.
Timing kasi ang linyahan nina Kakai Bautista bilang Marga, Pooh bilang Gerry, Thou Reyes bilang Kobe, Christine Samson bilang Layla, Jessie Salvador bilang CJ, Jai Agpangan bilang Betchay, Guel Espina bilang JM, Queenay bilang Emy at surprisingly, me sense of humor pala itong si RK Bagatsing bilang Tim.
Yes, si RK ang leading man ni Maja sa sitcom, balik-tambalan ang dalawa pagkatapos nilang mag-dramahan, magsakitan at manindak ng mga kababayan nila sa teleseryeng “Wildflower” sa ABS-CBN noong 2017 na dahil sa sobrang ganda ay umabot ito ng isang taon. Siyempre hindi na nito kinayang sundan ang yapak ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil may mga prior commitment na ang mga bida na pawang malalaking artista rin.
Going back to “Oh My Korona” ay inamin ni Maja na takot siyang gumawa ng sitcom dahil hindi niya ito forte kasi nga mas kabisado niya ang umiiyak, nanakit, nagagalit, nagda-drama ganern.
Kaya sobrang laki ang pasalamat niya sa Cornerstone Entertainment dahil sinugalan siya para sa unang comedy-seryeng “Nino Nina” na line-producer for TV5 at Cignal Entertainment.
Inamin ng tinaguriang Majestic Superstar ng TV5 na malaki ang influence ng Nino Nina sa paggawa niya ng Oh My Korona na idinirek ni Ricky Victoria.
For the record, komedyana sa likod ng camera si Maja kaya tawa nang tawa ang mga press people kapag nai-interview siya at makikita rin naman iyon sa vlogs niya ang personalidad niya.
May eksenang binuhusan ng tubig ni Maja ang ilang cast at naalala namin ang “Palibhasa Lalaki” noon nina Tsong Joey at Richard Gomez na kung anik-anika lang pinaggagawa pero may topic naman silang pinag-uusapan o sinusundan tulad ng current news headlines, celebrity issues at scandals, at iba pang mga viral topics.
Kaya siguro na-enjoy namin ang pilot episode kasi kaswal na usapan tapos kanya-kanyang linyahang magkaka-kunek na.
Gagampanan ni Maja ang karakter ni Lablab, isang hotel manager na nawalan ng trabaho pero naging tagapag-mana ng boarding house mula sa kanyang late beauty queen-actress mother kaya siya ay magiging landlady ng mga tenants na mga showbiz wannabes.
Si Joey naman ay gaganap bilang Louie, isang talent agency owner na gustong gawing prime talent niya si Lablab.
Kasabay nito ay ang pagmamanage din ni Louie sa mga showbiz aspirants na tenants sa boarding house ni Lablab.
Isa ang Oh My Korona sa series of commitments ni Maja para sa TV5 at Cignal Entertainment na in-anunsyo sa nakaraang media conference ng Majestic Superstar.
Related Chika:
Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa ‘Init Sa Magdamag’, respeto lang daw kay Rambo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.