Jojo Bragais tuloy ang pagpupugay sa mga Pilipinang reyna sa “Samber” at “Luigi” | Bandera

Jojo Bragais tuloy ang pagpupugay sa mga Pilipinang reyna sa “Samber” at “Luigi”

Armin P. Adina - November 21, 2022 - 12:07 PM

Ipinakikita ni Jojo Bragais ang ‘SamBer’ (kaliwa) at ‘Luigi’

Ipinakikita ni Jojo Bragais ang ‘SamBer’ (kaliwa) at ‘Luigi’/JOSE JOAQUIN BRAGAIS FACEBOOK PHOTO

 

INILABAS na ni Jojo Bragais ang dalawa niyang bagong pageant shoe designs, ang “SamBer” at “Luigi” na halaw kina 2020 Miss Grand International first runner-up Samantha Bernardo at 2021 Miss Universe Top 5 finalist Beatrice Luigi Gomez, at nagpapatuloy sa nakagawian na niyang pagpapangalan sa mga produkto niya gamit ang mga ngalan ng beauty queens.

Sinabi niyang nagsimula siya sa unang pares na ginawa niya, ang “Yvethe” na isinunod sa pangalan ni 2014 Binibining Pilipinas Supranational Yvethe Marie Santiago, na sinabi niyang nagsimula ng “career’ niya. “I wanted the first to be memorable, and then I just kept doing it to remind myself also of my journey in shoe making,” sinabi niya sa Inquirer sa isang online interview.

Ayon kay Bragais, mula nang magsimula siyang gumawa ng mga sapatos, nasaksihan na niya ang pagsisikap at paghihirap na naranasan ng mga kandidata. “So in a way, I wanted to immortalize their contribution to the pageant world through my shoes named after them,” ibinahagi niya.

Ngunit hindi lang siya basta-basta humuhugot ng mga pangalan mula sa talaan ng beauty queens. “I choose the queens depending on their attitude, my memories with them on how they inspired me in a way, and sometimes their life story that I would say touched my heart,” ani Bragais.

Suot ni reigning Miss Universe Philippines Celeste Cortes and 'SamBer'

Suot ni reigning Miss Universe Philippines Celeste Cortes and ‘SamBer’/JOJO BRAGAIS PHOTO

Isa sa pinaka-memorable na disenyo para sa kanya ang “Jehza,” para kay 2018 Bb. Pilipinas Supranational Jehza Huelar. “During one of the conversations I had with her, she told me, ‘if I win, any crown in Binibini name one design after me.’ I admire the hard work. I have so much respect for people like that,” ani Bragais. Ito rin ang disenyong pinili ng Miss Universe Organization para sa ika-69 patimpalak na itinanghal sa Florida noong Mayo 2021 kung saan siya ang official shoe provider.

Para sa “Maureen” shoe, sinabi ni Bragais na na-inspire siya sa pangarap ni 2021 Miss Globe Maureen Montagne na “one day being able to represent the Philippines in an international stage” na napag-usapan nila kasama ang dalawa pang kaibigan habang nagja-judge ng isang pageant sa Mindanao. “I designed the shoes with straps like it’s praying. Like all queens I believe the prayer is to win a crown. I want the shoes to be symbolic of that. Maureen made me see that. And I will never forget that night,” ani Bragais.

Ito ang disenyong nilikha niya para sa 2022 Binibining Pilipinas pageant, at lumabas sa iba’t ibang matitingkad na kulay, iba sa nakasanayang nude, silver, at gold shoes na ginagamit sa beauty contests.

Para sa mga pinakabago niyang disenyong “Samber” at “Luigi,” sinabi ni Bragais na nag-reimagine siya ng classic pairs. “I made their (Bernardo and Gomez) shoes for their final competitions. And if that time I was given more freedom based on the final look of their gowns, those would have been the designs I would have done for them,” aniya.

Ngayong isa na siyang household name, na halos lahat ng beauty contests sa buong bansa may nagsusuot ng sapatos niya, sinabi ni Bragais na may mga pagbabagong darating. “I want to do more and to go out of my comfort zone, something different I would say,” ibinahagi niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maaring maraming hindi makaunawa sa mga magiging hakbang at pasya niya sa darating na mga buwan. “But I’m ready for it. I can’t even wait,” aniya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending