Alden sa Pinas magpa-Pasko kasama ang pamilya; Bea may Christmas pa-bingo sa pag-aaring farm | Bandera

Alden sa Pinas magpa-Pasko kasama ang pamilya; Bea may Christmas pa-bingo sa pag-aaring farm

Ervin Santiago - November 20, 2022 - 09:50 AM

Alden sa Pinas magpa-Pasko kasama ang pamilya; Bea may Christmas pa-bingo sa pag-aaring farm

Alden Richards at Bea Alonzo

ILANG tulog na lang at Pasko na kaya naman naibahagi na rin ng “Start-Up PH” stars at Kapuso loveteam na sina Bea Alonzo at Alden Richards kung paano sila nagse-celebrate ng Christmas with their loved ones.

Simple lang magdiwang si Alden ng holidays with his family, “Most of the time talaga nasa bahay lang kami eh. ‘Yun ‘yung old school traditional Christmas ng family ko ever since.

“All together may handaan and then gift giving ganyan tapos siyempre may pa-games tayo ng kaunti. But the quality time, that’s the most important thing for us.

“Yung magkasama kami ng buo sa isang lugar which is our home in Laguna,” pahayag ni Alden sa “Love is Us This Christmas” video series ng GMA Network.

“This past few years, nagkaroon tayo ng pandemic, medyo nagkaroon tayo ng isolation from physical contact from the people that’s close to us, especially ‘yung mga tinamaan talaga ng COVID-19,” kuwento pa ng Asia’s Multimedia Star tungkol sa mga nagdaang Pasko nitong pandemya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


“This Christmas station ID goes to show na talagang we really need love to survive. We all need each other, especially in a time like this na kapanganakan ni Jesus Christ.

“It’s also a way of bringing back ‘yung mga panahon na hindi natin nagawa because of the pandemic. It’s a time to be happy and proud that a lot of people and a lot of us are feeling loved all the time,” sabi pa ng aktor.

This year walang balak mag-abroad ang pamilya ng binata, “Dito muna kami mag-spend ng holidays ng family, since it’s been a while na, kahit kasi nung pandemic nagkaroon ako ng chance na makaalis, e, na hindi ko sila kasama.

“So this time, especially for my grandparents na hindi na kayang lumipat, dito muna ako for them. There’s no place like home,” ani Alden.

Sa parehong video series, nag-share din si Bea kung paano mag-celebrate ng Pasko ang kanyang pamilya.

“Wala namang natigil nung pandemic pero meron kaming family tradition. Every Christmas, nagsasama-sama kami sa farm kasama nu’ng mga pamilya din ng mga staff namin tapos naglalaro kami ng bingo,” sey ni Bea.

Patuloy na subaybayan sina Alden at Bea sa “Start-Up PH” bilang bonding with the whole family mula Lunes hanggang Biyernes, tuwing 8:50 p.m. sa GMA Telebabad at 11 p.m. naman sa GTV.

Samantala, panoorin din ang GMA Network Christmas Station ID na “Love is Us This Christmas” sa official YouTube at Facebook pages nito.

Knows n’yo ba kung magkano ang unang sweldo ni Alden Richards sa GMA?

Herlene Budol may inamin tungkol kay Alden; nagka-cutting sa klase para lang mapanood ang Kalyeserye ng ‘Eat Bulaga’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden umaming ‘pera-pera’ lang ang dahilan kung bakit gustong mag-artista noon; iyak nang iyak nang matalo sa StarStruck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending