Yen Santos waging best actress sa Gawad Urian, may message kay Paolo Contis

Yen Santos waging best actress sa Gawad Urian, may message kay Paolo Contis
TALAGA namang early birthday gift para sa aktres na si Yen Santos matapos itong manalo bilang best actress sa 45th Gawad Urian na ginanap sa UP Film Center sa UP Diliman.

Nagwagi ang aktres para sa pelikulang “A Faraway Land” na ipinalabas sa Netflix kung saan naging leading man niya si Paolo Contis.

“Para sa kanyang sensitibo at kamangha-manghang pagganap sa papel ng isang Pilipinang nangibang-bayan na naipit sa pagitan ng tungkulin niya sa kanyang anak at asawang banyaga sa Faroe Islands, at maalab na pagmamahal sa isang journalist na gumawa ng dokumentaryo tungkol sa kanya bilang matagumpay na OFW, ang Gawad Urian ng 2022 para sa pinakamahusay na aktres ay ibinibigay kay Yen Santos para sa pelikulang A Faraway Land,” pagbabahagi ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Super happy naman ang aktres nang tanggapin nito ang parangal.

“Hi! Magandang-magandang gabi po sa inyong lahat. Ahhhm, napakalaking blessing po na mabigyan ng magandang proyekto sa gitna ng pandemya,” panimula ni Yen.

Pagpapatuloy niya, “2020 po, iyon yung kasagsagan ng pandemya na hindi ko sigurado kung kailan magiging OK lahat. Lahat, apektado. Nahinto ang mga trabaho. At dumating po ang A Faraway Land sa akin.”

Kaya naman noong i-offer raw ang pelikula kay Yen ay agad niya itong inoohan. Bonus pa nga raw dahil maganda ang lugar kung saan kinunan ang pelikula.

Nagpasalamat naman ang aktres sa buong produksyon ng pelikula pati na rin sa direktor nito na si Veronica Velasco.

Ngunit siyempre, nagpasalamat rin ang aktres sa kanyang leading man sa “A Faraway Land”.

“And of course, to my leading man Paolo Contis, sobrang talented, napakagaling na artista. Maraming-maraming salamat sa iyo.

“Ahhm, I’ll always be your number one fan,” sey ni Yen.

Nagpasalamat rin ang aktres sa Gawad Urian sa pagbibigay ng award sa kanya.

“And of course, maraming-maraming salamat po, Gawad Urian, for believing in me! Best birthday gift ever! Thank you!” masayang sabi ni Yen.

Ang iba pag nominado bilang best actress ay sina Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon), Donna Cariaga (Rabid), Elora Españo (Love and Pain in Between Refrains), at Kim Molina (Ikaw at Ako at ang Ending).

 

Related Chika:
#Anyare: Yen Santos trending na naman matapos burahin ang Instagram posts

Paolo kasama ba ni Yen sa kanyang birthday dinner?

Paolo Contis, Yen Santos gumora sa Bora…as a friend pa rin ba o magdyowa na?

Paolo, Yen patuloy na binabatikos ng netizens; pati past statements binabalikan

Read more...