IBINANDERA ng TV host-actor na si Matteo Guidicelli ang kanilang pagmamahalan ng singer-actress at asawang si Sarah Geronimo.
Nitong Miyerkules, November 16, ibinahagi nga niya on national television kung paano ipinaglaban ng Popstar Royalty ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng mga balakid.
Sa isang segment ng noontime show na “Tropang LOL” na HOPE kung saan tinatalakay nila ang mga usaping pag-ibig, ay may naging guest sila na nag-iisip kung maaari pang magkaroon ng comeback after 10 years.
Pagkukwento kasi ng dating magkasintahan, marami na raw silang pinagdaanan at naibahagi rin nito ang pagkaayaw ng pamilya ng lalaki sa babae.
Dito na nga nabanggit ni Matteo ang naging karanasan nila ng asawang si Sarah.
Aniya, “That’s the beauty of love. Sa pag-ibig, mari-realize talaga natin na hindi tayo perfect as an individual. “Pero kapag darating ang tao na talagang swak sa iyo, parang puzzle lang yung pag-ibig, e. Dapat magtulungan kayo para maging buo at maging isa kayo.”
Labis rin daw ang respeto ni Matteo sa ex-couple dahil sila raw ang “true example” ng mga taong matatapang.
“I really put so much respect on people like you; people like you also, brother, that goes against all odds. This is a true example of people, like you, that are so brave,” pagpuri ng aktor.
Dito na rin nga nabanggit ni Matteo ang asawa at ang appreciation niya sa mga bagay na ginawa nito para sa kanilang pagmamahalan.
“And I’d like to also give it up to my wife, that she went against all odds for me.
“At the end of the day… love is the decision of two individuals, not about the people in the family or the people around them anymore. It’s about you and your partner,” sey ni Matteo.
Pagpapayo pa niya sa dalawa, “Always put God in the middle. Always respect each other. Kung meant to be iyan, darating ang panahon na magiging kayo ulit.”
Matatandaang noong February 20, 2020 nang maganap ang intimate Christian wedding ceremony nina Matteo at Sarah sa Victory Church sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Ngunit tila nagkagulo ang masaya sanang pangyayari sa bagong mag-asawa nang diumano’y pag-eeskandalong ina ni Sarah na si Mommy Divine sa kanilang private reception matapos ang pagpapakasal.
Nitong October rin nang mag-post si Sarah sa kanyang Instagram account kung saan humihingi ito ng tawad sa kanyang mga magulang subalit sa ngayon ay deleted na ito.
Related Chika:
Matteo solid Popster pa rin kahit asawa na si Sarah: I am very, very proud of you!
Matteo Guidicelli sinagot ang pregnancy rumors tungkol kay Sarah: Ang sexy nga ng asawa ko!
Julia Barretto hindi inurungan ang pang-aasar ni Matteo sa kanya: Pwede nating i-mention ‘yung…
Matteo Guidicelli pinagsabihan si Alex Gonzaga: Irespeto natin ang mga asawa natin