Hirit ni Billy Crawford kay Luis Manzano: Magbago ka na may anak ka nang parating!

Hirit ni Billy Crawford kay Luis Manzano: Magbago ka na may anak ka nang parating!
HINDI nagpahuli ang Kapamilya TV host at vlogger na si Luis Manzano sa pag-congratulate sa kanyang malapit na kaibigan at dating kasamahan na si Billy Crawford.

Matatandaang noong Biyernes, November 11, itinanghal na grand winner ang “Tropang LOL” host at partner nitong si Fauve Hautot sa TV show na “Danse Avec Les Stars (Dance With The Stars) sa France.

Kasabay nga ng pagputok ng balita ng pagkapanalo ni Billy ay ang kaliwa’t kanang congratulatory messages mula sa kanyang mga supporters at kaibigan sa industriya.

At isa na nga ang lagi niyang kasama sa pagho-host noon sa Kapamilya network na si Luis sa mga super happy sa bagong achievement ng kaibigan.

“Congrats @billycrawford for winning Dancing with the stars! Proud of you!” sey ni Luis.

At bilang kilalang pilyo at makulit, may halong kalokohan pa rin ang pagbati ng asawa ni Jessy sa kaibigang si Billy.

Ang larawan kasi na ibinahagi ni Luis ay tila mga ka-lookalike nila ni Billy.

Bentang-benta naman ang post ng “I Can See Your Voice” host sa madlang pipol pati na rin sa kanilang mga celebrity friends.

“This is not my son!!!!!” saad ni Edu Manzano. “Saan ang hustisya!”

Comment naman ni Karylle, “Best! Sana ma pick up ng French news!”

Sumagot naman si Billy sa naturang post ng kaibigan.

“Hahahahahahahahahahaha sira ulo ka talaga paps! Magbago ka na may anak ka nang parating,” sey ng dating host ng “It’s Showtime”.

Sina Luis at Billy ay matagal nang magkaibigan at sa katunayan, nagkasama ang dalawa bilang host ng Kapamilya show na “Pilipinas Got Talent”.

Related Chika:
Billy Crawford pasok sa grand finals ng ‘Dancing with the Stars’ sa France

Billy Crawford itinanghal na grand champion ng ‘Dancing with the Stars’ sa France

Coleen super proud sa pagkapanalo ni Billy sa ‘Dancing With The Stars’: ‘A kind, humble man who works hard, dreams big for his family’

Billy Crawford hindi pa rin nakakausap sina Vice Ganda at Anne Curtis matapos lumipat sa TV5

Read more...