Billy Crawford itinanghal na grand champion ng ‘Dancing with the Stars’ sa France
NAMAYAGPAG ang talentong Pinoy sa pagsasayaw sa isang dance competition sa France!
Ang TV host-actor na si Billy Crawford at ang dance partner niya na si Fauve Hautot kasi ang itinanghal na grand champion ng 12th season ng “Danse avec les Stars (Dancing with the Stars).”
Ang masayang balita ay ibinandera mismo ni Billy sa kanyang social media.
Sa Instagram, Lubos na pinasalamatan ng TV host ang Diyos at ang mga sumuporta sa kanyang kompetisyon.
Kabilang na riyan siyempre ang kanyang pamilya at mga bumubuo sa “Danse avec les Stars.”
Caption niya, “TO GOD BE THE GLORY! Tonight is for You, Father! (folded hands emoji)
“And to all who supported me on this amazing journey, THANK YOU ALL
My love @coleen my angel of a son Amari
Production, @dals_tf1, my amazing new sister @fauvehautot all the crew, all my co contestants, my country, my parents and most of all thank you to the French public who has been there for me for more than 20 years.”
Patuloy pa niya, “I’m very emotional today since it’s the last day. From the bottom of my heart, I love you all. Praise Jesus! And keep on trackin’ with me.”
View this post on Instagram
Proud ding nag-post ang kanyang misis na si Coleen Garcia sa Instagram na ipinapakita ang litrato ni Billy na hawak ang kanyang trophy kalakip ang mahabang caption.
Sey ni Coleen sa IG post, “Words cannot express how PROUD I am of you, my love! Not just for WINNING this difficult competition, but for growing into the person you have become: a kind, humble man who works hard, dreams big for his family, shoots for the stars and makes sure to lift as many people up with him along the way.”
Patuloy pa ng aktres, “You are an AMAZING person, and I am soooo so blessed that our son gets to look up to you and have you as his Dad. You amaze me every time. I love you, and I’m SO HAPPY for you! You deserve all of this and more (white heart emoji).”
View this post on Instagram
Maraming kapwa-artista ang sobrang natutuwa sa bagong achievement ng aktor at ilan lamang sa mga nagpaabot ng “congratulatory” messages ay sina Gary Valenciano, Jaya, Pia Wurtzbach, Iza Calzado, Jessy Mendiola, Baron Geisler, at marami pang iba.
Nagsimula ang music career ni Billy sa United States, pero una siyang sumikat sa France matapos ilabas ang kanyang first single na “Trackin’” noong 2001.
Limang linggong nakasama sa top 5 ng French charts ang kanta at nakakuha pa ito ng “certified platinum.”
Bukod pa riyan ay nakakuha rin ang singer-actor ng “certified gold” sa kaparehong bansa para naman sa ikalawa niyang album na “Ride.”
Mula noon ay sunod-sunod na ang kanyang nakukuhang pagkilala hanggang sa sumikat na rin siya sa iba’t-ibang panig ng mundo, kasama na ang Pilipinas.
Read more:
Billy Crawford pasok sa grand finals ng ‘Dancing with the Stars’ sa France
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.