Vhong Navarro ililipat na sa Taguig City Jail para sa kasong rape; Deniece Cornejo naka-score na naman | Bandera

Vhong Navarro ililipat na sa Taguig City Jail para sa kasong rape; Deniece Cornejo naka-score na naman

Reggee Bonoan - November 16, 2022 - 09:46 AM

https://bandera.inquirer.net/316000/paolo-contis-nagpasalamat-sa-pa-kaldereta-as-a-friend-ni-yen-santos

Deniece Cornejo at Vhong Navarro

NAKAPUNTOS na naman si Deniece Cornejo dahil ang kahilingan niyang ilipat sa Taguig City jail ang aktor na si Vhong Navarro ay mangyayari na.

Base sa report ng “24 Oras”, “Ililipat sa Taguig City jail ang aktor at host na si Vhong Navarro para sa kinakaharap na kasong rape.  Alinsunod po iyan sa inilabas na commitment order ng Taguig Regional Trial Court Branch 69.”

Sa NBI detention facility nakakulong si Vhong matapos siyang arestuhin sa kasong rape na inihain ni Deniece Cornejo.

Sa kasalukuyan ayon sa NBI ay inaayos nila ang mga dokumentong kakailanganin para sa paglipat ni Vhong sa Taguig City jail.

Ayon sa report, “Sasailalim ang aktor sa mga protocol health requirement.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)


Samantala, wala pang resolusyon ang korte kung pagbibigyan naman si Vhong sa kahilingan niya ng pansamantala siyang makalaya para makasama ang pamilya lalo na ngayong malapit na ang Pasko.

Halos araw-araw ay laman si Vhong ng mga vlogs ng mga kilalang content creators at lahat sila ay taimtim na panalangin ang alay sa aktor para sa mga pinagdaraanan niya ngayon.

Tanong nga raw kay ‘Nay Cristy Fermin ng mga kaibigan niya ay kung ano ang mabigat na kasalanang nagawa ni Vhong para magtagal siya sa kulungan at dumanas ng hirap.

Tinalakay ito ni ‘Nay Cristy sa “Showbiz Now Na” YouTube channel nila kasama sina Romel Chika at Morly Alinio.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement ang kampo ni Vhong.

Deniece Cornejo nagpetisyong ilipat sa Taguig City Jail si Vhong Navarro

#LabanKungLaban: Vhong Navarro, Deniece Cornejo muling maghaharap sa korte

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo ng abogadong lolo ni Deniece sa kaso nila ni Vhong: Mag-settle na lang sila, at mag-move on…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending