Kuh Ledesma inaming nagka-bipolar disorder si Isabella: ‘Ganito na ba ang anak ko forever?’
SA kauna-unahang pagkakataon naging bukas ang veteran at award-winning singer-actress na si Kuh Ledesma tungkol sa mental health issues ng anak niyang si Isabella Gonzalez.
Matindi rin daw ang pinagdaanang challenges ng kanyang anak matapos itong ma-diagnose ng bipolar disorder ilang taon na ngayon ang nakararaan.
At bilang ina, talagang ginawa raw ni Kuh ang lahat para matulungan si Isabella sa paglaban nito sa kanyang karamdaman at hindi rin ito naging madali para sa kanya. Sa ngayon daw ay maayos na ang kundisyon ni Isabella.
“Hindi ko maalala how I felt that time but parang sumusunod na lang ako sa sister-in-law ko because my sister-in-law also was diagnosed as having bipolar disorder. I guess I felt na alam nila ang gagawin,” pahayag ni Kuh sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay.”
Nu’ng una raw ay hindi talaga matanggap ng kanilang pamilya ang nangyari kay Isabella at natakot siya na baka hindi ito makayanan ng anak dahil hindi pa masyadong napag-uusapan noon ang mga mental health issues.
View this post on Instagram
“I don’t have any knowledge kung paano gumagaling ang tao sa ganyan, ‘yung mental illness, ang feeling ko ‘ganito na ba ang anak ko forever?’
“Kasi ang sinasabi nila hindi nati-treat ang mental illness but now I realized it’s not true. Any kind of sickness or illness can be healed by the God of impossible,” pahayag pa ni Kuh.
“The journey that we took was very difficult kasi 14 years na nagtatake ng psychotropic drugs si Isabella so it was difficult when she took it out. Kasi dapat yon tini-take out ng unti-unti.
“So kulang pa rin ako sa information nun pero we were able to hurdle it. And unti-unti nakikita ko ‘yung mind ni Isabella nagiging sound mind,” aniya pa.
Bukod dito, nahirapan din daw ang singer na ibalita kay Isabella ang paghihiwalay nila ng dati niyang asawa.
“We got separated, it really also broke her. Basically ‘yun ang naging ano…mga anak natin ang nagsa-suffer when parents separate. Pero kailangan we have to know how to speak to our children,” lahad ng OPM icon.
Mariel ikinumpara kay VP Leni ang pagiging ulirang ina: Daig ko pa ang Aegis na basang-basa sa ulan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.