Kuh Ledesma inatake ng matinding lungkot dahil sa resulta ng Eleksyon 2022: Lord, ikaw na ang bahala sa kanila | Bandera

Kuh Ledesma inatake ng matinding lungkot dahil sa resulta ng Eleksyon 2022: Lord, ikaw na ang bahala sa kanila

Ervin Santiago - May 22, 2022 - 07:26 AM

Kuh Ledesma

MATINDING kalungkutan din ang naramdaman ng award-winning OPM icon na si Kuh Ledesma sa naging resulta ng May 9  2022 elections.

Naglabas ng saloobin ang singer-actress sa pagkatalo nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa nakaraang halalan sa pamamagitan ng social media.

Natalo nina Ferdinand “Bongbong” Marcos at Sara Duterte sina VP Leni at Kiko sa presidential at vice presidential race na talaga namang ikinalungkot nang todo ng mga Kakampinks.

“Alam ko there’s a lot of people who are sad. Ako rin nalungkot. Sobra. Ilang days ko ‘yan ipinagdasal. Ayaw kong manatiling malungkot dahil I am grateful to God no matter what.

“Ang Diyos ang may hawak ng lahat ng bagay. He is control. Eh kung gusto ng bayan natin na ‘yan ang iboto wala tayong magagawa, hindi ba?” simulang pahayag ni Kuh.

Aniya, mas makabubuti kung ipagdarasal na lamang ng lahat ng Filipino ang lahat ng mga nahalal na kandidato at umasang marami silang magagawa para sa sambayanan.

Hindi naman daw pwedeng puro patutsadahan at pamba-bash na lang ang mangyari pagkatapos ng eleksyon sa pagitan ng mga supporters ng mga naglaban-labang kandidato.

“Ang magagawa lang natin ay ipagdasal ang ating mga leader. What else can we do? Alangan namang magsisiraan na lang or ‘yung mga may nagba-bash?

“Alangan namang we will fight fire with fire? No. Surrender them all to God and just pray, Ikaw na bahala Diyos sa kanila,” ang pahayag pa ni Kuh Ledesma.

Si Kuh ang siyang umawit ng patriotic song na “Ako Ay Pilipino” na nilikha ng OPM icon na si George Canseco na naging big hit noong  Marcos regime.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuh Ledesma (@kuhledesma)


Isa si Kuh na tinagurian ding Pop Diva ng Pilipinas sa mga lantarang nangampanya para kay VP Leni kasama ang halos lahat ng Kapamilya stars sa pangunguna nina Vice Ganda, Maricel Soriano, Angel Locsin, Regine Velasquez, Gary Valenciano at marami pang iba.

Ilang araw pagkatapos ng eleksyon, in-announce ni VP Leni sa kanyang thanksgiving rally na tinatanggap na niya ang “majority’s choice” ngunit nangakong patuloy na lalabanan ang kasinungalingan at katiwalian sa bansa.

Inihayag din ng bise presidente na gagawin niyang isang non-government organization ang proyekto ng Office of the Vice President na Angat Buhay anti-poverty program na ilulunsad sa July 1, ang unang araw sa posisyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang pangulo ng Pilipinas.

https://bandera.inquirer.net/303905/daniel-ibinuking-ang-matinding-crush-noon-ni-joshua-sa-young-actress-na-mommy-na-ngayon

https://bandera.inquirer.net/305157/angel-kay-chito-happy-birthday-sa-kaibigan-kong-malupit-na-rakstar-labyu-tsong

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280673/marco-alcaraz-naguluhan-sa-magkaibang-resulta-ng-covid-test-sobrang-hindi-ako-makapaniwala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending