Carmina Villarroel napikon sa napakalakas na sampal ng kaeksenang artista: 'Nawala ako sa frame at nahulog ako sa sofa!' | Bandera

Carmina Villarroel napikon sa napakalakas na sampal ng kaeksenang artista: ‘Nawala ako sa frame at nahulog ako sa sofa!’

Ervin Santiago |November 14,2022
facebook
share this

Carmina Villarroel napikon sa napakalakas na sampal ng kaeksenang artista: ‘Nawala ako sa frame at nahulog ako sa sofa!’

Ervin Santiago - November 14, 2022 - 07:42 AM

Carmina Villarroel napikon sa napakalakas na sampal ng kaeksenang artista: 'Nawala ako sa frame at nahulog ako sa sofa!'

Carmina Villarroel

HANGGANG ngayon ay naaalala pa rin ng Kapuso actress at TV host na si Carmina Villaroel ang isang artistang sumampal sa kanya nang bonggang-bongga sa isang proyektong ginawa niya ilang taon na ang nakararaan.

Inamin ni Carmina na nagalit at napikon siya nang mangyari ang insidenteng yun dahil iyon ang pinakamasakit na sampal na naranasan niya sa ilang dekada niya sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


Ito ang ibinahagi ng aktres sa latest episode ng podcast na “Wala Pa Kaming Title” kasama ang mga kaibigan niyang sina Candy Pangilinan, Gelli at Janice de Belen.

Kuwento ng misis ni Zoren Legaspi at host ng “Sarap, ‘Di Ba?”, talagang nawindang siya sa nasabing eksena na until now ay parang ramdam na ramdam pa rin niya ang sakit sa mukha niya.

Chika ni Carmina, “May buwelo, ‘yung talagang galing dito sa baba paganoon sa akin. Nawala ako sa frame at nahulog ako sa sofa. Buti na lang may sofa kasi kung walang sofa nahulog ako sa floor.”

Walang binanggit na pangalan si Carmina sa kanyang rebelasyon pero inamin ibinahagi niya ang naramdaman niya nu’ng mga sandaling yun.

“Napikon ako, kasi ang sakit, ang sakit. Imadyinin mo may buwelo,” sey ni Carmina.

Buti na lang daw ay meron pa rin siyang presence of mind habang kinukunan ang nasabing sampalan scene at itinuloy pa rin ang eksena para hindi na sila ma-take 2 o take 3 dahil baka hindi na siya makapagpigil.

“Nahulog ako sa silya. Buti may presence of mind ako na tumayo ako kasi baka ma-take two e ayoko kasi ang sakit,” sey pa ng aktres

* * *

Tuluy-tuloy ang sorpresa na hatid ng Sparkle GMA Artist Center para sa lahat ng mga Kapuso.

Matapos ang first-ever Halloween event na #TheSparkleSpell last month, kasado na rin ang biggest fans day na hatid ng Sparkle para sa lahat ng kanilang fans and supporters.

Sa Instagram page ng Sparkle ay inanusyo na ang “Sparkle Fans Day: Isang Pasasalamat” event na gaganapin on November 20 sa SM Skydome.

Present sa star-studded event na ito ang mga paboritong Sparkle stars na maghahandog ng iba’t ibang performances at surprises sa kanilang mga tagahanga.

Ikinagulat nga ng kanilang supporters ang magkakasunod na big events ng Sparkle, “Kaka Halloween Sparkle Spell lang may Grand fans Day pa? Wow dami ganap ng GMA!! Kayo naaa!!”

Todo-abang naman ang fans at netizens kung sino-sino sa kanilang favorite Kapuso stars ang makakasama nila, “Excited sa Ysaguel” comment ng isang diehard fan nina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix.

Hindi rin nagpatalo ang team Jolly nina Sofia Pablo at Allen Ansay na looking forward na maka-bond ang kanilang mga idolo, “TEAM JOLLY PAKILIGIN NIYO KAMI LALO SA LIVE PLEASE!!!!!!!!!!!!!”

Para sa iba pang updates, tumutok lang sa social media accounts ng Sparkle.

Anak ni Ai Ai biktima ng hit-and-run sa US; kotse nahulog sa bangin

8 Kapuso celebs napili bilang banner stars ng Sparkle; handa nang sumabak sa mga hamon ni Mr. M

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rufa Mae: Na-feel ko lang…balik nga ako sa Philippines, for some reason gusto kong umuwi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending