Jessy pasabog ang birthday message kay Vilma: Sobrang blessed ni Peanut magkaroon ng grandma tulad ni Momsky! | Bandera

Jessy pasabog ang birthday message kay Vilma: Sobrang blessed ni Peanut magkaroon ng grandma tulad ni Momsky!

Ervin Santiago |November 14,2022
facebook
share this

Jessy pasabog ang birthday message kay Vilma: Sobrang blessed ni Peanut magkaroon ng grandma tulad ni Momsky!

Ervin Santiago - November 14, 2022 - 08:19 AM

Jessy pasabog ang birthday message kay Vilma: Sobrang blessed ni Peanut magkaroon ng grandma tulad ni Momsky!

Jessy Mendiola, Vilma Santos at Luis Manzano

FEELING ni Jessy Mendiola, sobrang swerte ng magiging panganay na anak nila ni Luis Manzano dahil ngayon pa lang ay ang dami-dami nang nagmamahal sa baby.

Sa naging birthday message ni Jessy para sa ika-69 kaarawan ng Star For All Seasons last November 3, ipinagdiinan ng aktres na napakalaking blessing sa anak nila ni Luis ang pagkakaroon ng lolang katulad ni Ate Vi.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Vilma sa kanyang social media followers ang mga naging kaganapan sa birthday celebration kasama ang ilang kapamilya at malalapit na kaibigan.

Para sa kanyang 69th birthday, naghanda si Ate Vi ng mongolian food, “If you noticed, talagang close family lang. Very, very simple post-birthday.”

Present sa kanyang party ang anak na si Luis kasama si Jessy na eight months pregnant na ngayon. Sey ni Ate Vi, hindi dapat mag-alala ang publiko dahil nagpa-antigen test lahat ng bisita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)


Ito’y para masiguro rin ang kaligtasan ng lahat ng mga bisita, lalo pa’t nagdadalang-tao ngayon si Jessy.

Mensahe ni Vilma sa lahat ng dumalo at nakaalala sa kanyang kaarawan, “I love you guys. Thank you very much from the bottom of my heart. Salamat din po sa lahat ng bumati, maraming maraming salamat.”

Narito naman ang mga mensahe nina Luis, Ryan at Jessy para kay Ate Vi.

Sey ni Ryan, “My wish is that she gets good projects that she is passionate about and that she can enjoy. Kasi parang she misses being an actress and showbiz in general.

“Happy Birthday and I love you so much, Mom. Thank you for everything. Thank you for always being there for me. I couldn’t ask for more honestly,” aniya pa.

“Ang wish ko naman kay Momsky as always long life and healthy pero ngayon kapag sinasabi kong long life dahil may parating na bagong blessing sa pamilya para matagal, masaya at happy ang mga kasama ng ating Peanut sa pamilya,” ang pagbati naman ni Luis.

Pagbati naman ni Jessy, “Happy Birthday Momsky. Nakaka-excite kasi parang birthday gift kay Momsky ang pagkakaroon ng baby Peanut.

“We’re very, very happy. And ngayon palang sasabihin ko na sobrang blessed ni Peanut magkaroon ng grandma tulad ni Momsky. And excited po ako du’n,” aniya pa.

Vilma niregaluhan agad ng bonggang regalo ang apo, pinayuhan sina Luis at Jessy: May times na mag-aaway kayo, sa totoo lang, pero…

Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vilma 60 years na sa showbiz: Imortal na ang Dyesebel at Darna na everytime pag-uusapan ‘yun, mababanggit ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending