11,000 empleyado ng kumpanyang ‘Meta’ nawalan ng trabaho | Bandera

11,000 empleyado ng kumpanyang ‘Meta’ nawalan ng trabaho

Pauline del Rosario - November 10, 2022 - 12:25 PM

11,000 empleyado ng kumpanyang ‘Meta’ nawalan ng trabaho

PHOTO: REUTERS/Peter DaSilva

HINDI bababa sa 11,000 ang mga empleyadong nawalan ng trabaho sa pinakamalaking technology company na “Meta.”

‘Yan ay matapos kumpirmahin ng may-ari nito na si Mark Zuckerberg na dahilan raw ay malaking pagkalugi, at pagbabawas ng budget ng ilang advertisers na dahil sa inflation.

Ang naturang kumpanya ang nangangasiwa sa ilang social media giants gaya ng Facebook at Instagram, pati na rin ang messaging app na WhatsApp.

Humingi na ng tawad si Zuckerberg at ayon sa kanya, ito ang pinakamabigat na desisyon ng kanyang kumpanya.

Sey niyasa isang pahayag, “Unfortunately, this did not play out the way I expected.”

Aniya, “Not only has online commerce returned to prior trends, but the macroeconomic downturn, increased competition, and ads signal loss have caused our revenue to be much lower than I’d expected.

“I got this wrong, and I take responsibility for that.”

Ayon pa kay Zuckerberg, ang bilang ng mga tinanggal na empleyado ay nasa 13% lamang ng kanyang workforce sa buong mundo.

Kamakailan lang ay nagkaroon din ng retrenchment at pagsasara ng ilang opisina sa iba’t-ibang bansa ang kumpanyang Twitter na dahil rin sa pagkalugi.

Ang twitter ay nasa ilalim ng bagong may-ari ng bilyonaryong si Elon Musk matapos ipagbili ng Meta.

Ayon kay Musk sa isang post, wala silang choice kundi magbawas ng empleyado dahil araw-araw ay nalulugi ang twitter ng $4 million o mahigit P232.2 million.

Tweet niya, “Regarding Twitter’s reduction in force, unfortunately there is no choice when the company is losing over $4M/day.”

“Everyone exited was offered 3 months of severance, which is 50% more than legally required,” dagdag pa niya.

Read more:

Feeling ni Xian Gaza, pagkawala ng Facebook account ni Ivana may konek daw sa BIR?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz nag-react sa post na kuning endorser ng Facebook si Toni Gonzaga

Facebook account ni Dawn Chang na-hack, dinenay na binura ang ‘Toni Gonzaga’ post

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending