Jed Madela alam na alam ang dagdag na tungkulin kapag magpe-perform sa Christmas show
PARA sa mang-aawit na si Jed Madela, hindi naman nagbabago ang mga paghahanda niya tuwing may napipinto siyang palabas. Ngunit kada programa, katulad ng isang Christmas show, may kaakibat na karagdagang tungkulin para sa mga tagapagtanghal na katulad niya.
“It’s like on my end as a performer, as a singer, it is my job to set the mood for the entire theme of the event,” sinabi niya sa Inquirer sa isang panayam sa Shangri-la Plaza Mall sa Mandaluyong City noong Nob. 6 kung saan siya nagtanghal sa grand Christmas tree lighting show, kasama ang Philippine Madrigal Singers.
Pero kung paghahatid naman ng Christmas mood kay Madela, nagagawa ito ng “Christmas Portrait” album ng American duo na Carpenters. “Whenever the ‘ber’ months are coming, I always take out the Christmas album of the Carpenters. So it’s not just one song, it’s the entire album of the Carpenters,” aniya.
Tinukoy naman niya ang “Merry Christmas Darling” ni Caren Carpener. “Iyong intro niya, ‘greeting cards have all been sent, the Christmas rush is through,’ so Intro pa lang alam mong Christmas na,” ibinahagi ni Madela.
Bata pa lang siya sa Iloilo pinakikinggan na niya ang album, at ipinaaalala nito sa kanya ang kabataan niya. “It kind of has that nostalgic effect on me,” ani Madela.
Ngunit kung pagtatanghal sa entablado ang pinag-uusapan, nariyan ang “A Perfect Christmas” at “Christmas in Our Hearts” na sinulat at pinasikat ni Jose Mari Chan. “And there’s also one Christmas song na hindi nawawala sa request ng mga tao, iyong ‘Sana Ngayong Pasko,’” dinagdag niya.
Nagbabalik na ang mga live na pagtatanghal sa mga pisikal na benyu. Ngunit noong mga panahong napakaraming pagbabawal ang umiiral sa panahon ng Kapaskuhan dahil sa COVID-19 pandemic, napagmuni-munihan ni Madela ang halaga ng Pasko
“For me, it kind of becomes more important, more of a big deal. For two years we weren’t able to celebrate ‘real Christmas.’ And lately, things have started coming back to, somehow, normal. When we get the chance to celebrate something, such as Christmas, we try our best to take advantage of the opportunity,” ibinahagi niya.
Balak ni Madela na umuwi sa Iloilo upang doon magdiwang ng Pasko kasama ang pamilya, at gawin ang tradisyunal nilang pagdiriwang, tulad ng pagsasalo-salo sa Noche Buena, at pagbubukas ng mga regalo pagtuntong ng hatinggabi. “We sing at church as a whole family, and we visit family members the next day,” dinagdag pa niya.
Nananalangin naman siya “for everything to go back to normal. We need more work for everybody, and good health for everyone.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.