Ilang bigating international celebrities nakiramay sa pagpanaw ni Aaron Carter | Bandera

Ilang bigating international celebrities nakiramay sa pagpanaw ni Aaron Carter

Pauline del Rosario - November 07, 2022 - 12:01 PM

American rapper Aaron Carter natagpuang patay sa loob ng bahay

BUMUHOS ang mga mensahe ng pakikiramay sa pagpanaw ng American rapper at dating child star na si Aaron Carter.

Una na riyan ang kanyang nagluluksang kapatid na si Backstreet Boys member Nick Carter.

Ayon kay Nick, sobra siyang nasasaktan sa pagkawala ni Aaron at kahit raw naging komplikado ang kanilang relasyon ay mahal na mahal niya ang kanyang kapatid.

Saad niya sa post, “My heart is broken. Even though my brother and I have had a complicated relationship, my love for him has never ever faded.

“I have always held on to the hope that he would somehow, someday want to walk a healthy path and eventually find the help that he so desperately needed.”

Nabanggit din niya na ang drug addiction at mental illness ang naging puno’t dulo sa mga nangyari.

“Sometimes we want to blame someone or something for a loss, but the truth is that addiction and mental illness is the real villain here.  I will miss my brother more than anyone will ever know,” lahad niya.

Ani pa ni Nick, “I love you Chizz. Now you can finally have the peace you could never find here on earth….I love you baby brother.”

Nakikiramay din ang ex-girlfriend ni Aaron na si Hilary Duff sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Kung matatandaan ay nagkasama ang dalawa sa hit Disney Channel series na “Lizzie McGuire.”

Sey ni Hilary sa IG, “For Aaron– I’m deeply sorry that life was so hard for you and that you had to struggle in-front of the whole world.

“You had a charm that was absolutely effervescent…boy did my teenage self love you deeply. Sending love to your family at this time. Rest easy (red heart emoji)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hilary Duff (@hilaryduff)

May social media post din ang socialite na si Paris Hilton at ayon sa kanya, naging mabuti si Aaron hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang pamilya.

Tweet ni Paris, “Sad to hear about the news of @aaroncarter (crying emoji) He was always kind to my family and I. He had a good heart. Gone way too soon. (sad face emoji) Sending my thoughts and condolences to his loved ones and family.  RIP”

Ilan pa sa mga nagbigay-pugay sa pumanaw na American Rapper ay ang American singer na si Greyson Chance, at American boy bands na NSYNC at New Kids on the Block.

November 6 nang makumpirmang patay si Aaron matapos matagpuan ng mga pulisya sa kanyang bahay sa Lancaster, California.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang sanhi sa biglaang pagpanaw ng dating child star.

Read more:

American rapper Aaron Carter natagpuang patay sa loob ng bahay

Danny Javier nag-iwan ng ‘special gift’ sa madlang pipol bago pumanaw

Bassist ng The Dawn na si Mon Legaspi pumanaw na sa edad 54

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending