Ivana Alawi 'pinagtripan' ng basketball players; Enchong Dee nanggulat sa pag-eksena sa 'Darna' | Bandera

Ivana Alawi ‘pinagtripan’ ng basketball players; Enchong Dee nanggulat sa pag-eksena sa ‘Darna’

Ervin Santiago - November 06, 2022 - 08:49 AM

Ivana Alawi 'pinagtripan' ng basketball players; Enchong Dee nanggulat sa pag-eksena sa 'Darna'

Ang mga kalalakihang nagba-basketball gamit ang poster ni Ivana Alawi

PAK na pak sa mga netizens ang paandar ng isang grupo ng kalalakihang nagba-basketball kung saan “pinagtripan” nila ang sexy actress at vlogger na si Ivana Alawi.

Viral na ngayon ang video ng mga lalaking naglalaro ng basketball na naka-upload sa Facebook page na “Hotsauce Mentality” na pinusuan at ni-like ng sandamakmak na mga netizens.

Sa nakalagay na caption, naka-credit ang nasabing video sa isang “Darel Abregaano.”

“Tol: san ka nag eensayo parang hindi ka ata sumasablay sa pag-shoot,” ang nakasaad pa sa FB post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Sa isang bahagi nga ng video, makikita ang sexy photo ni Ivana na nakapaskil sa itaas na bahagi ng  basket kung saan isinu-shoot ang bola.

Ipinakita rito ang walang sablay na pagsu-shoot ng bola ng mga players kapag napapatingin sila sa hubad na katawan ng Kapamilya actress at sikat na vlogger.

Sa comment section, mababasa ang mensahe ni Ivana mula sa kanyang verified account at mukhang hindi naman siya napikon o nagalit sa ginawa ng mga basketbolista.

“Ayos ah!” ang tanging reaksyon ni Ivana sa napanood na video.

* * *

Ginulat ni Enchong Dee ang manonood sa kanyang unang eksena bilang isang Extra sa Thursday episode ng “Mars Ravelo’s Darna.”

Ginagampanan ni Enchong ang karakter ni Eli na bumisita sa police station ng Nueva Esperanza.

Sa pagpasok ni Eli, aksidenteng natabig niya ang isang pulis na ikinagalit nito. Agad namang humingi ng patawad kay Eli ang pulis matapos itong makita at mapagsabihan ni Brian (Joshua Garcia). Makikita rin na magtutulungan si Eli at Brian sa pag-iimbestiga ng mga kaso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enchong Dee (@mr_enchongdee)


Sa likod ng tahimik at mapagkumbaba na ugali ni Eli, nagtatago ang lihim na galit nito sa bullies gaya ng pulis na nagalit sa kanya. Isiniwalat din ang telekinesis powers ni Eli nang palutangin nito ang isang kutsilyo.

Nadagdag din sa cast ng “Darna” ang teen actress na si Mutya Orquia. Ginagampanan ni Mutya ang karakter ni Tricia, isang estudyante na kaklase ni Ding (Zaijan Jaranilla) at vlogger na nagbabalak ilabas ang sikreto sa likod ng facility para sa mga Extra ni Mayor Zaldy Vallesteros (Simon Ibarra).

Napapanood ang “Darna” gabi-gabi, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5.

Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Ivana Alawi magbubuhay-reyna kahit hindi na mag-artista; hindi mahilig mag-post ng problema sa social media

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice pinagtripan ang ‘Darna’ ni Jane, ikinonek sa kasal: Parang every year, papalitan ka tapos ang tagal matuloy!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending