Vice pinagtripan ang 'Darna' ni Jane, ikinonek sa kasal: Parang every year, papalitan ka tapos ang tagal matuloy! | Bandera

Vice pinagtripan ang ‘Darna’ ni Jane, ikinonek sa kasal: Parang every year, papalitan ka tapos ang tagal matuloy!

Ervin Santiago |August 01,2021
facebook
share this

Vice pinagtripan ang ‘Darna’ ni Jane, ikinonek sa kasal: Parang every year, papalitan ka tapos ang tagal matuloy!

Ervin Santiago - August 01, 2021 - 12:00 PM

PINAGTRIPAN ni Vice Ganda at ng iba pang co-host ng “It’s Showtime” ang gagawing TV remake ng “Darna” ng ABS-CBN na pagbibidahan ni Jane de Leon.

Naging “pulutan” ng chikakan nina Vice, Kim Chiu at Vhong Navarro si Darna sa segment na “Reina ng Tahanan” ng Kapamilya noontime show.

Habang ini-interview nina Vice ang contestant na si Claris Valladores, napag-usapan nga ang kanyang kasal at tinanong kung ano ang magiging theme nito.

Suggestion ni Kim, pwede raw nilang i-try ang Darna-themed wedding. Reaksyon naman ni Vice, “Ay kaya lang, kapag Darna…”

“Naka-panty ka kapag kinasal!” pagsingit na chika ni Kim.

Hirit naman ni Vice, “Naka-panty ka kapag kinasal at saka parang every year, papalitan ka tapos ang tagal matuloy!”

Humagalpak ng tawa si Kim dahil nagets niya agad ang ibig sabihin ni Vice. Ito nga ang bagong version ng “Darna” na isasapelikula sanang muli ng ABS-CBN (una sanang pagbibidahan ni Angel Locsin na pinalitan ni Liza Soberano) ngunit ilang beses ngang na-delay.

Hanggang sa magdesisyon na ang ABS-CBN at Star Cinema na gawin nang serye ang “Darna” ni Jane na malapit nang magsimula ang production.

Patuloy na hirit ni Vice, “Bakit naging ganu’n yung Darna, ang tagal matuloy?

“Bad trip, sinabi sa ‘yo ng asawa mo, ‘Ang theme natin, Darna.’ ‘Ah, talaga? Kailan? ‘Ah, hindi pa sure. Darna ‘yan, e.’ Basta sasabihin lagi tapos di matutuloy!” chika pa ng TV host.
Biro naman ng contestant na si Claris, “Magpapapayat po muna ako para Angel Locsin, seksing Darna.”
Biglang nag-dialogue si Vhong ng, “Paano iyon? Ang singsing non, lulunukin,” referring to the magical stone that transforms the mortal Narda into the superheroine Darna.

Sagot ni Vice, “Hindi na isusuot, sasabihin mo, ‘Ding, ang bato! Tapos (isusubo) sa ‘yo yung singsing, kaya hindi na naman natuloy kasi natigok!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan lang ay naglabas ng official statement ang ABS-CBN na tatanggalin na si Jane sa “Ang Probinsyano” ni Coco Martin para simulan na ang shooting ng “Darna” series.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending