Kotse ni Khalil Ramos na-carnap sa QC; agad humingi ng tulong sa netizens | Bandera

Kotse ni Khalil Ramos na-carnap sa QC; agad humingi ng tulong sa netizens

Pauline del Rosario |October 30,2022
facebook
share this

Kotse ni Khalil Ramos na-carnap sa QC; agad humingi ng tulong sa netizens

Pauline del Rosario - October 30, 2022 - 03:51 PM

Kotse ni Khalil Ramos na-carnap sa QC; agad humingi ng tulong sa netizens

PHOTOS: Facebook/Khalil Ramos

NA-CARNAP ang vintage car ng Kapuso actor at singer na si Khalil Ramos sa Quezon City.

Ibinandera ‘yan mismo ng aktor sa kanyang social media account noong Huwebes, October 27.

Ayon sa Facebook post ni Khalil, tinangay ng hindi pa nakikilalang suspek ang kanyang 1996 Mitsubishi Montero na may kulay silver at green at plakang MTR 168.

Posted by Khalil Ramos on Thursday, October 27, 2022

 

Nakasaad din sa post ng aktor na huli itong nakita sa Greenfields 1 Subdivision, Gate 2 sa Novaliches bandang 4:36 a.m.

Ipinaskil din ni Khalil ang isang phone number para sa makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa kanyang kotse.

Maraming netizens naman ang naging concern at ang ilan sa kanila ay tila tutulong sa paghahanap sa nawawalang vintage car.

Gaya ng isang nag-comment na sinabing, “Will keep an eye out sa rig mo sir hoping maibalik sa inyo.”

May nag-suggest naman na lumapit sa mga pulis at tingnan kung nahagip ng CCTV.

“Greenfields? May presinto sa labas niyan na walking distance, makipag-coordinate and check the cctv footage,” sey sa comment.

May isang netizen naman na umaasang mahuhuli ang magnanakaw.

Lahad sa comment, “I’m sure nag file na ng police report and hoping na may cctv nearby that place. Sana mahanap niyo na yan and makulong ‘yung kumuha. Sa hirap ng buhay ngayon, sana mahuli yon at makulong.”

Matatandaan sa lumang post ni Khalil ay nakuwento niya na lolo niya ang may-ari ng SUV, pero nang namatay raw ito ay ang kanyang tatay na ang nag-preserve ng kotse.

Pina-upgrade pa nga raw nila ito para maging isang “classic overland rig.”

Read more:

Gabbi Garcia gustung-gusto ang ginagawa ni Khalil Ramos sa daliri niya kapag magka-holding hands, ano kaya yun?

Gabbi Garcia, Khalil Ramos 5 years nang magdyowa; ‘ultimate goal’ sa relasyon ang pagpapakasal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Khalil Ramos sa panloloko ng ex-dyowa: Worst years of my life

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending