Gabbi Garcia, Khalil Ramos 5 years nang magdyowa; 'ultimate goal' sa relasyon ang pagpapakasal Bandera

Gabbi Garcia, Khalil Ramos 5 years nang magdyowa; ‘ultimate goal’ sa relasyon ang pagpapakasal

Ervin Santiago |February 09,2022
share this

Gabbi Garcia, Khalil Ramos 5 years nang magdyowa; ‘ultimate goal’ sa relasyon ang pagpapakasal

Ervin Santiago - February 09, 2022 - 07:26 AM

Gabbi Garcia at Khalil Ramos

KUNG may “ultimate goal” ang celebrity couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos para sa kanilang relationship, yan ay ang pagpapakasal pagdating ng tamang panahon.

This early, nakikita na raw ng dalawang Kapuso stars ang kanilang mga sarili na magkasama together bilang married couple in the future.

“Ako kasi, whenever I get into a relationship, I’m the type of guy who dates to marry talaga. I have friends who date to marry. I hope it’s not rare.

“So, for me, there’s no other point, there’s no other end goal but to spend the rest of your life with your partner. That’s the goal. So, whatever we do leans towards that,” ang pahayag ni Khalil sa panayam ni G3 San Diego.

Para naman kay Gabbi, feeling niya si Khalil na ang lalaking nais niyang makasama for the rest of her life at ipinagdarasal niya na sana’y sila na nga ang pinagtagpo at itinadhana.

“Oo naman! Wala namang iba. Ano’ng itsura niya? Masayang- masaya siya? Sana. Ha-hahaha! Oo naman. Knowing Khalil, I could imagine nakatayo siya du’n tapos may hawak siyang film cam,” chika pa ni Gabbi.

Ngayong buwan, ise-celebrate na nina Khalil at Gabbi ang kanilang 5th anniversary kaya natanong din sila kung ano ang sikreto sa kanilang matatag at solid relationship. 
  
“Communication talaga. From the get-go, from the start of our relationship until now, we always sit down and communicate our feelings. 

“For example naiinis ako sa kanya or naiinis siya sa akin, we would sit down and, ‘Alam mo, nainis ako sa ‘yo earlier,’ or, ‘I didn’t like what you’ve been doing lately.’ 

“So, we really talk about our feelings and we never let a fight na matapos nang wala man lang nag-explain kung ano ‘yung feelings ng isa’t isa,” pahayag ni Gabbi.

“Dati nagagalit siya sa akin kasi sabi niya, ‘Hindi ako magician na kaya kong mag-read ng minds.’ Before kasi, it would be often na, ‘Dapat alam niya ‘yun.’ Pero hindi, eh, you have to communicate it,” dagdag pang esplika ng Kapuso actress at TV host.

Sey naman ni Khalil, “I think the usual na pinagmumulan ng problems, with also my past relationships, is that nagkaka-fallout because nawawalan na ng gana, nawalan na ng respeto and everything.”

“Yung iba kasi ‘di ba, napo-fallout kasi wala nang kilig. Pero ano ba’ng intention ng relationship? Magkilig lang ba? ‘Di ba companionship? It’s reminding yourself of the ‘why,’ the reason, and the intent,” dagdag ni Gabbi.

“‘Cause sometimes things get boring also for us, ah, sa sobrang tagal na namin. So, wala, we always just go back to, ‘Ano bang purpose nito? Date-date lang ba? Kilig-kilig lang ba?’ Hindi naman ganu’n ‘yun,” dagdag pa ng dalaga.

Sabi pa ni Gabbi, “For me, friendship is really important. For us kasi, we started as friends. So, I feel like a person whom you can keep as your best friend is really, really important kasi you guys can just hang out mainly. 

“‘Yun talaga, you guys get to know each other on a much deeper level if you’re best friends,” dugtong ng aktres.

Sumang-ayon naman dito si Khalil, “I think for me, one thing that I do super love about our relationship is the enjoyment, the fun. 

“I’ve also experienced it before and I could see my friends really resent their partners na parang umaabot sa point na, ‘Ayoko siyang makasama kasi lagi na lang kaming ganyan.’ 

“For us, whenever we’re together, it’s always fun. It’s always a time when we could have fun and bond. Ako kasi, my love language talaga is kulit, eh. I always make her kulit,” aniya pa.


Ipinagdiinan din ni Gabbi ang kahalagahan ng pagrespeto feelings ng bawat isa, “It’s not all about your partner. I feel like you can’t depend everything on your partner. Kailangan you respect his individuality and he respects my individuality as well. 

“So, when it comes to our work, ‘di niya ako pinakikialaman, ‘di ko rin siya pinapakialaman sa pagtatrabaho niya or sa passion niya or sa passion ko. So, ‘yun, respect for your own individual space also,” sabi pa ng dalaga.

Khalil Ramos sa panloloko ng ex-dyowa: Worst years of my life

Gabbi ‘ghinost’ si Khalil noon para makipagbalikan sa ex-boyfriend

‘Love On Air’ nina Khalil at Gabbi trending sa socmed; GabLi fans pinainit ang Twitter

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending