Drag Race PH winner Precious Paula Nicole feeling ‘Superman’, balak magpatayo ng ‘drag university’
PLANONG magpatayo ng “drag school” ni Precious Paula Nicole, ang kauna-unahang “Drag Race Philippines” winner.
Nais daw kasi niya na mas mapalawak at mas mapabongga pa ang mundo ng mga aspiring drag queens sa Pilipinas na naghahanap ng venue para maibandera sa buong mundo ang kanilang talento.
“Life is precious and so are we. Let’s continue to inspire and let’s continue to love. I am Precious Paula Nicole, your drag race superstar,” ang bahagi ng victory speech ni Precious Paula Nicole nang tanghalin siyang “DRP” champion last October 12.
Natalo niya ang 11 pang contestants sa unang season ng naturang reality talent show kung saan nakapag-uwi siya ng P1 million at iba pang premyo.
“For sure po lahat ng drag queens dito, pangarap ‘yan. I’ve been dreaming about this for a very long time. Now it happened I’m very thankful,” sabi naman ni Precious sa isang interview.
Ayon pa sa “reyna”, hindi niya masyadong pinresyur ang sarili habang nasa kumpetisyon, “Sabi ko rin sa sarili ko na i-enjoy ko ang moment. Hindi ko masyado inilagay sa ulo ko na competition ito.
“When I entered the competition, sinabi ko siguro iti-take ko ito as a workshop. I am here para matuto at i-improve ko kung ano pa ang may kaalaman ako sa labas,” chika pa niya.
“Hindi ako masyadong na-pressure to win. Kaya nagre-reflect na mas relax sa stage na I was there to learn and enjoy,” dagdag pa niyang chika.
View this post on Instagram
Ang ex-partner daw niya ang nag-introduce sa kanya ng pagda-drag 12 taon na ang nakararaan, “That time nakita ko na parang feeling ko kaya ko, since I paint, I dance.
“So sabi ko konti lang ang aaralin ko, magli-lip sync na lang ako at magme-make up, parang kayang-kaya ko naman ‘yan. I started asking help from seniors sa bars na mga drag queens din,” aniya pa.
Feel na feel daw niya ang magic at power kapag nag-transform na siya bilang isang drag queen, “I think ‘yun po ang isa sa gusto ko sa power ng drag, para kaming si Superman.
“Kung hindi kami sisigaw o magta-transform eh, hindi kami makikilala sa ordinaryong araw. Kaya rin po ang gusto namin sa drag, kumbaga napaka-magical niya,”
“For me ang drag, ngayon it’s giving joy and inspiration sa mga tao,” sabi ni Precious.
Kasunod nito, nabanggit nga niya ang tungkol sa pagpapatayo ng drag school, “Together with my Divine sisters, ‘yung mga friends ko na ko rin po sa competition, we are planning to open a drag university.
“Kumbaga wala po masyadong nakakaalam niyan dito. We will teach kung paano mag-perform, mag-make up.
“Nu’ng nakikita namin ang mga fans lately, binibigyan kami ng ideas na bakit ‘di gawing maging professional na, mag-teach kayo.
“Feeling ko mas magiging maganda po kung maging parang school na siya. Naghahanap kami ng mga taong pwedeng tumulong para maging posible siya,” sabi pa ni Precious na nakatakdang dumalo sa “RuPaul’s DragCon UK 2023.”
‘Natatawa ako sa sarili ko kasi kapag may nagre-Regine nako-confuse na ‘ko!’ – Songbird
Kim walang nagawang sablay para tsugihin sa ‘Showtime’; Andrea nagpaka-drag queen
Nadine tuloy ang concert para sa mga Golden Gays, drag queens: You are loved and valued!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.