Kiray Celis niregaluhan ng 3 palapag na paupahang bahay ang nanay, meron pang pasabog na alahas | Bandera

Kiray Celis niregaluhan ng 3 palapag na paupahang bahay ang nanay, meron pang pasabog na alahas

Ervin Santiago |October 19,2022
facebook
share this

Kiray Celis niregaluhan ng 3 palapag na paupahang bahay ang nanay, meron pang pasabog na alahas

Ervin Santiago - October 19, 2022 - 08:09 AM

Kiray Celis niregaluhan ng 3 palapag na paupahang bahay ang nanay, meron pang pasabog na alahas

Kiray Celis at Meriam Celis

ANG bongga-bongga talagang anak ni Kiray Celis, no! Aba, knows n’yo ba kung ano ang iniregalo niya sa kanyang nanay kamakailan?

Binigyan lang naman ng Kapuso comedienne at vlogger ang pinakamamahal niyang ina ng bagung-bagong paupahang bahay!

At bukod diyan, may pa-alahas pa si Kiray kay nanay kaya naman shookt ang kanyang mother dear nang matanggap ang best gift ever sa kanya ng anak.

Sa kaniyang Facebook account last Friday, October 14, nagpa-house warming at nagpa-blessing nga ng kanilang tatlong palapag na apartment.

Nagsagawa din ang komedyana ng house tour after ng blessing, “Nandito na tayo sa bago naming paupahan, bagong bahay, regalo ko kay Mama.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


Reaksyon naman ng nanay niya, “Masaya, masarap. Hindi ko ma-explain ‘yung nararamdaman kong saya. Kasi suwerte ako na nagkaanak ako ng Kiray.”

Samantala, tatlong alahas naman ang iniregalo ni Kiray sa ina, “Laging sinasabi sa akin ni Mama noong bata pa ako, kapag may nagtanong daw sa akin ano gusto kong regalo, sabihin ko daw ginto.

“Para iwas-usog tapos kapag wala kaming pera, puwede daw masanla. Tumataas pa value habang tumatagal. Which is totoo naman.

“Kaya heto ako, ito ang regalo ko sa kanya. Kuwintas na may picture naming dalawa, isang singsing na may initial niya at kuwintas na may diamonds. I love you, Mama!” mensahe pa ni Kiray sa kanyang ina.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sinorpresa ni Kiray ang kanyang mga magulang, lalo na sa mga espesyal na okasyon. Lagi siyang may pa-money cake kapag kaarawan ng parents niya.

Ngayong 2022, niregaluhan niya ng P63,000 ang 63-anyos niyang tatay habang P57,000 naman sa 57 years old niyang ina.

“Maubos man ang ipon ko sa kakapa-money cake sa inyo every birthday n’yo ni Mama, okay lang. Sobrang thankful at blessed ako taon taon na nadadagdagan lagi ang buhay n’yo,” ang sabi pa noon ni Kiray sa kanyang socmed post.

Kiray binati ang sarili sa 27th birthday: Sobrang proud ako sa ‘yo kasi kung gaano ka katapang noon, ganu’n ka pa rin hanggang ngayon!

Kiray nagsusuot ng sexy OOTD hindi para bastusin at laitin: Allow me to be confident with my body

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Nakakaloka ang pa-house tour ni Kiray sa Tagaytay!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending