Carla Abellana naloka sa taas ng presyo ng gasolina: Hindi pa nga ‘yan full tank!

Carla Abellana naloka sa taas ng presyo ng gasolina: Hindi pa nga 'yan full tank!
MASKI ang Kapuso star na si Carla Abellana ay tila napa-aray sa pagtaas ng mga presyo ng mga gasolina.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ng aktres ang larawan kuha sa isang gasolinahan kung saan siya nagpakarga.

“Hindi pa nga yan full tank,” caption ni Carla sa kanyang IG story.

Makikitang umabot lamang sa 76.162 ang karga sa kanyang sasakyan at nagkakahalaga na agad ito ng P5,936.83.

Mababatid na kahit ano pa ang estado ng buhay ay talaga namang apektado ng pagtaas ng bilihin gaya na lamang ng presyo ng basic commodities maging ng gasolina.

Ngunit sa kabila nito ay marami pa rin sa mga netizens ang tila napataas ng kilay sa pagra-rant ng aktres gayong kayang-kaya naman daw niya itong bayaran lalo na’t artista siya at may malaking kinikita.

“Puro reklamo! Barya lang ‘yan sa inyo, kumpara sa aming mga ordinaryong mamamayan!” comment ng isang netizen.

Sey pa ng isa, “Oa mo naman madam. Huwag ka magsasakyan. Feeling nito sa Pilipinas lang mataas ang bilihin. Kulang sa pansin.”

May mga netizens naman na nagtanggol kay Carla at sinabing hindi porke artista ay hindi na pwedeng magreklamo o umaray sa bilihin.

“Hindi lang naman dito sa Pilipinas ramdam ang pagtaas ng mga produkto. Karapatan ng bawat isa ang umaray sa ganitong sitwasyon. Mayaman o mahirap,” chika ng isang netizen.

Hirit naman ng isa, “Daming ewan dito? Bakit, porke ba artista siya wala na karapatan magreklamo, nadaing lang yung tao syempre ang laki ng itinaas.. mayaman o mahirap ramdam ang inflation sa mundo… dahil sa digmaan ng dalawang bansa lahat ng konsumo ng produkto apektado… walang sikat, walang simpleng mamamayan halos lahat ramdam ‘yan.”

Hindi lang naman si Carla ang kilalang personalidad na nagpahayag ng kanyang saloobin sa pagtaas ng presyo ng gas.

Matatandaang maging si Kyla noon ay inulan ng pambabatikos matapos itong maghayag ng saloobin hinggil rito.

Related Chika:
Ogie Diaz nag-sorry kay Carla Abellana: Pasensya na, nagkamali kami

Xian may nakakalokang hugot sa oil price hike: ‘Ayoko na…pag nagmamahal ako, ang daming taong nagagalit’

Netizens naloka sa presyo ng suklay ni Heart Evangelista: ‘Di ko afford, mars!’

Carla Abellana emosyonal sa pagkawala ni Cherie Gil: I will never forget you

Read more...