Gabrielle Basiano naging ‘palaban’ sa Miss Intercontinental, nagpasalamat sa mga sumuporta: Filipinos will always be the best fans in the world

Miss Intercontinental winner, Bb. Pilipinas Gabrielle Basiano

Miss Intercontinental winner, Bb. Pilipinas Gabrielle Basiano (photos from Instagram)

NAGING mahigpit ang laban sa kompetisyon ng Miss Intercontinental ngayong taon.

Bagamat hindi natin nakuha ang inaasam-asam na back-to-back win ng nasabing kompetisyon, lumaban naman hanggang huli ang ating pambato na si Binibining Pilipinas Miss Globe 2022 Gabrielle Basiano.

Nangyari ang “coronation” ng Miss Intercontinental pageant nitong Biyernes, Oct. 14 sa Egypt, kung saan nagtapos sa “Top 20” si Gabrielle.

Sa latest Instagram post ng ating pambato ay lubos siyang nagpapasalamat sa suporta ng bansa.

Sabi pa nga niya, kahit siya’y nasa Egypt ay ramdam na ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ng mga pinoy.

Caption niya, “Thank you my beloved Filipinos for being with me until the end.

“I can still say that the Filipinos will always be the best fans in the world.”

Tuloy pa niya, “The Filipino spirit, love and tremendous cheer are surely felt all the way here in Egypt.

“Whatever happens, I am deeply grateful for all your love and support.”

Ayon rin sa kanya, nais niyang maging inspirasyon sa marami na hindi natatakot sa anumang hamon sa buhay.

Sey nya, “I may not have the smoothest journey before I have reached to this point.

“But I would like to take this opportunity to encourage and inspire others that no matter what challenges come along your way, never be afraid to boldly go in the direction of your dreams.

“Stand tall and show the world what you are made of.”

Samantala, hinangaan din ng marami ang pagiging humble ng bagong Miss Intercontinental 2022 na si Le Nguyen Bao Ngoc ng Vietnam.

Wala pa siyang mensahe matapos manalo, pero una niyang sinabi na hindi para sa titulo ng Miss Intercontinental ang kanyang pakay sa kompetisyon, kundi para sa “experience.”

Chika niya sa isang Instagram post, “At Miss Intercontinental, what I strive for is not the title, it’s the journey and also the connection along the way.”

Sinabi rin niya sa video na “goal” niyang ipakita sa kompetisyon ang “best qualities” ng mga babaeng Vietnamese, tulad ng pagiging mapagmahal at mapagsumikap.

Sey niya, “Before I left Vietnam, I told my people that I was going to bring the best quality to show that a Vietnamese woman is not only strong, but also full of love and passion to conquer anything that they strive for.”

First runner-up sa pageant ay si Mariela Pepin ng Puerto Rico na sinundan nina Cecília Almeida de Sousa ng Brazil, Joy Raimi Mojisola ng Nigeria, Tatjana Genrich ng Germany, at Emmy Carrero Mora ng Venezuela.

Read more:

Vietnam wagi sa Miss Intercontinental; Bb. Pilipinas Gabrielle Basiano nasa Top 20

Gabrielle Basiano handa nang lumaban sa Miss Intercontinental 2022; target ang back-to-back win para sa Pinas

Gabby Basiano sa isyu ng Bb. Pilipinas mix-up: Si Nicole Borromeo po talaga ang Miss International at ako ang Miss Intercontinental

Read more...