Pia Wurtzbach ‘binalaan’ ng TikTok followers ni Joshua Garcia: ‘Walang Miss U-Miss U dito!’

Pia Wurtzbach 'binalaan' ng TikTok followers ni Joshua Garcia: 'Walang Miss U-Miss U dito!'

Joshua Garcia at Pia Wurtzbach

“KINASTIGO” at “binalaan” ng mga netizens at TikTok users si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil kay Joshua Garcia.

Hindi rin pinalampas ng mga fans na humaling na humaling sa mga viral TikTok video ng Kapamilya aktor ang pagkokomento TV host-actress at dating beauty queen sa bagong paandar ng binata.

Milyun-milyong views at libu-libong comments and shares na naman ang nakuha ng bagong video na ipinost ni Joshua sa TikTok kung saan makikita siyang sumasayaw ng “SPIN BACK!” ni Scottie Wop.

Isa nga sa mga celebrities na nag-post ng comment sa video ni Joshua ay si Pia Wurtzbach na nagsabing binuksan lang daw niya ang kanyang TikTok account dahil dito.

“Nag open ako ulit ng tiktok para lang dito,” sey ni Pia with matching  iba’t ibang emojis.

Sinagot naman ito ng leading man ni Jane de Leon sa “Darna” ng isang emoji na nakatakip ang mata.


Kasunod nito, sinita at pinagalitan  nga ng mga TikTok followers ni Joshua si Pia tulad ng ginagawa rin nila sa iba pang celebrities na nagkokomento sa mga ipino-post na video ng aktor.

Narito ang ilan sa mga nakakatuwang comments ng netizens.

“Walang miss u miss u dito…sa likod ka.”

“Hoy Ms Pia pumila ka. Walang singitan. Ano porke Ms U?”

“Ay, iba ka Joshua! Miss Universe 2015 yan!”

May nagbabala naman kay Pia na huwag nang pumila dahil may nanalo na sabay banggit sa pangalan ni Bella Racelis na pinaniniwalaang girlfriend na ng binata.

Bukod kay Pia, biro-biro ring sinita ng mga TikTok followers ni Joshua ang international star na si Nicki Minaj na nagkomento rin sa isang video ng aktor.

https://bandera.inquirer.net/282903/heart-binalaan-ang-publiko-laban-sa-sinungaling-na-doktor-netizen-pinayuhang-magdemanda

https://bandera.inquirer.net/319197/anak-nina-claudine-at-raymart-pasadong-matinee-idol-dolphy-tuluy-tuloy-pa-rin-ang-pagpapatawa

https://bandera.inquirer.net/286504/banta-ni-sassa-gurl-kabahan-na-kayo-barbie-at-jak-dahil-ako-na-ang-ibinabalita-ng-gma-lagot

https://bandera.inquirer.net/288598/valeen-montenegro-binalaan-ang-publiko-sa-mga-pekeng-covid-19-test-clinic-pera-pera-lang-sila

 

Read more...