TRUE nga kaya ang nasagap naming balita na pagbalik ng award-winning TV host na si Boy Abunda sa Pilipinas galing Amerika ay makikipag-meeting na siya para sa pagbabalik niya sa GMA 7?
Nagtungo sa New York si Tito Boy para sa ilang natanguang commitments at sa pag-uwi nga raw nito sa bansa ay pag-uusapan na ang gagawin niyang programa sa Kapuso Network.
Sa isang panayam sa TV host ay hindi pa niya kinumpirma at hindi rin naman niya idinenay ang tungkol dito. Ibig sabihin, may posibilidad nga na magbalik din siya sa GMA 7.
Well, abangers na lang tayo lahat kung magkakaroon nga ng announcement ang Kapuso station tungkol sa paggawa ni Tito Boy ng project sa dati niyang tahanan.
Pero in fairness, maraming nagsasabi na baka raw may plano na ang GMA na gumawa uli ng mga showbiz talk show at perfect nga si Tito Boy para diyan.
May nagkomento naman na sana’y isang show sa GMA News and Public Affairs ang ibigay sa premyadong TV host sakaling bumalik nga ito sa dating pinagtrabahuang network.
Samantala, naging makasaysayan naman ang naganap na 12th The Outstanding Filipinos in America (TOFA) awards sa New York City with its resident host Boy Abunda.
Si Tito Boy din ang nag-announce ng 28 honorees sa nasabing event na dinaluhan nga ni New York City Mayor Eric Adams. Ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na um-attend ang isang NYC mayor sa isang Filipino event doon.
Naganap ito last September 16 sa The Town Hall ng New York City kasama ang mga dignitaries at exemplary Filipino Americans suot ang kanilang mga Barong na very proud sa pagsasagawa ng 12th TOFA.
Executive Producer Elton Lugay, who founded TOFA in 2011, said the idea then, as it is now, was to “use the event as a platform to celebrate our achievements in America.”
Binigyang-parangal dito ang 28 national honorees, 8 Lifetime Achievement Awardees and three Global Awards recipients.
Ilan sa mga pinarangalan ay sina Hate crime survivor Vilma Kari and daughter Elizabeth Kari (both advocates against Asian violence); decorated U.S. Army officer Col. Odelia Tablit; first openly gay FilAm mayor of Boynton Beach, Florida Mayor Ty Penerga; Bergenfield, New Jersey Mayor Arvin Amatorio; Commissioner Anne del Castillo of the NYC Mayor’s Office of Media and Entertainment; Jessica Caloza, first Filipina commissioner of the L.A. Board of Public Works; Kelly Ilagan Coldiron (former White House Liaison executive director); Eight-time Emmy Award-winning producer Lisa Lew; Hollywood actor Reggie Lee; Live Nation PH Director Rhiza Pascua.
Kinilala sina Social media sensation Bretman Rock; ultramarathon runner Gerald Tabios; Vallerie Castillo-Archer, first Filipino executive chef at LA’s Yamashiro; ‘Miss Saigon’ veteran actor and musical theater producer Miguel Braganza; R&B artist and entrepreneur Garth Garcia; concert producers Robert and Melissa Mendoza; UERM Medical Foundation founder Dr. Emilio Quines; pediatrician and concert singer Dr. Winston Umali; Family physician Dr. Alicia Almendral; skincare and wellness doctor Dr. George Homer Mendoza.
Kasama rin sa kinilala ng TOFA sina Philanthropist and founder of 101 Heroes Foundation in L.A. Edwin Santiago; Philippine National Bank General Manager Eric Bustamante; community organizer Eddie Echavez; physical therapist Dr. Maria Clarissa Ramos; nursing director Dr. Maria Ruth Lopez; nurse practitioner Dr. Georgio Dano; Humanitarian and fitness mentor Deekie Gaerlan; and spa and beauty entrepreneurs Richard and Imee Maghanoy.
Two newsworthy personalities and a broadcast pioneer are the three Global Awards recipients. Highest-ranked junior tennis player Alex Eala; Philippine network GMA Pinoy TV; and Dubai-based celebrity fashion designer Michael Cinco.
“I share this award with my parents who struggled financially and sacrificed a lot of their life yet still supported me to achieve my dreams,” ang bahagi ng speech ni Cinco.
“Filipinos are really world-class,” ang reaksyon ng nagpapalakpakang audience.
https://bandera.inquirer.net/294013/boy-abunda-magiging-kapuso-na-rin-tuloy-ang-negosasyon-sa-gma