Vicki Belo nagkaroon ng stage 3 breast cancer noon: I was told I'm going to die | Bandera

Vicki Belo nagkaroon ng stage 3 breast cancer noon: I was told I’m going to die

Therese Arceo |October 07,2022
facebook
share this

Vicki Belo nagkaroon ng stage 3 breast cancer noon: I was told I’m going to die

Therese Arceo - October 07, 2022 - 11:25 PM

Vicki Belo nagkaroon ng stage 3 breast cancer noon: I was told I'm going to die
INAMIN ng celebrity doctor na si Vicki Belo na na-diagnose siya ng breast cancer noon at nasa stage 3 ito.

Sa kanyang panayam kay Korina Sanchez ay ibinahagi niya sa unang pagkakataon ang kanyang pinagdaanan noong 2016.

“This is the first time I’m going to discuss it and only because I trust you and I think it’s over. I had cancer in 2016 and I was diagnosed with third stage cancer of the breast,” saad ni Vicki.

Aniya, bandang Enero noong 2016 nang ma-diagnose siya sa kanyang malalang karamdaman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)

“I went to Europe and I was told by them there that I was going to die. [They said] ‘Don’t bother to have chemo. Just fix your affairs, you’re dead in two years,'” pagpapatuloy pa ni Vicki.

Kuwento pa niya, nagtungo raw siya sa New York at nang tanungin niya ang mga doktor kung ano ang mga chances na mayroon siya, sinabi lang ng mga ito na susubukan nila lahat ng kanilang makakaya.

Dito ay ibinahagi na rin ni Dra. Vicki ang ka yang mga pinagdaanan matapos malaman ang kanyang sakit.

Habang nasa kasagsagan siya ng kanyang chemotherapy and radiation treatment, marami ang mga nangyari sa kanyang buhay gaya na lang ng pagpapaskasal ng kanyang anak na si Cristalle, pagkamatay ng kanyang ina, at ang kanilang public announcement patungkol sa kanilang anak ni Hayden na si Scarlet Snow sa isang CNN interview.

At nang tanungin nga siya kung ano ang sikreto niya sa kanyang paggaling, naiiyak itong sinagot ni Vicki.

“The number one secret is Scarlet…. I wanna be with her. I don’t wanna leave her so young. I kept praying, ‘Lord, please give me time.'” pagbabahagi niya.

At dahil nga sa kanyang mga naging sandigan, sina Scarlet, Hayden, at ang kanyang buong pamilya, naging maayos ang kanyang pakiramdam at nalagpasan niya ang kinakaharap na pagsubok noon.

Related Chika:
Glam-up transformation ni Vicki Belo patok sa netizens: ‘Love it!’

Andrea Brillantes naloka sa regalo ni Dra. Vicki Belo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joshua Garcia ‘proud moment’ ang makasama sa stage si Daniel Padilla: Walang kumpetisyon sa amin

Vicki Belo ‘hiningi’ si Scarlet kay Hayden: Can you give me a Belo baby?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending