Joshua Garcia 'proud moment' ang makasama sa stage si Daniel Padilla: Walang kumpetisyon sa amin Bandera

Joshua Garcia ‘proud moment’ ang makasama sa stage si Daniel Padilla: Walang kumpetisyon sa amin

Alex Brosas |August 25,2022
share this

Joshua Garcia ‘proud moment’ ang makasama sa stage si Daniel Padilla: Walang kumpetisyon sa amin

Alex Brosas - August 25, 2022 - 09:36 AM

Daniel Padilla at Joshua Garcia

KATUWA naman itong si Joshua Garcia na umaming isa sa highlights ng career niya ang ang pag-guest ni Daniel Padilla sa “Pinoy Big Brother” kung saan isa siya sa mga housemates.

Sa online interview ni Bianca Gonzalez for CinemaNews, itinuring ng isa sa bida ng “Darna” na isang “proud moment” sa kanyang career nang mag-share sila ng stage ng bida ng “2 Good 2 Be True” sa 2021 ABS-CBN Christmas special.

“Isa ‘yun sa mga masasabi kong proud moments ko sa showbiz. Parang before kasi pumasok lang siya sa PBB as guest namin and then housemate ako.

“Noong araw na ‘yun, ‘yung oras, ‘yung moment na ‘yun kasama ko siya sa stage kumakanta,” Joshua recalled.

Ang maganda kay Joshua, hindi competitor ang tingin niya kay Daniel kahit na pareho silang may primetime series sa Dos, siya for “Darna” at si Daniel for “2 Good 2 Be True”.

“Hindi talaga namin iniisip ‘yung ganu’n, e, na may competition. ‘Pag may trabaho, trabaho lang kami, gawin namin ‘yun professionally.


“And pagkalabas namin sa trabaho, pagkatapos ng lock-in, kita-kita kami,” say ni Joshua.

Sabi ni Joshua, ang pinaka-bonding nila ni Daniel ay magpunta sa Batangas para mag-golf.

Samantala, sa “2 Good 2 Be True” ay litong litong at parang pakiramdam ni Eloy (Daniel Padilla) na niloko siya ng kanyang mahal sa buhay nang malaman ang katotohanang lolo niya si Hugo (Ronaldo Valdez).

Matapos makita ang tunay na nararamdaman ni Hugo para sa kanyang ina, nagdadalawang-isip si Eloy kung talagang may kinalaman ang kanyang lolo sa nangyaring trahedya sa pamilya.

Samantala, nagdiriwang na si Helena (Gloria Diaz) matapos makumpirmang may sakit ang kapatid.

Magtagumpay na kaya siyang agawin ang Horizon Grand? Huwag palampasin ang mga susunod pang rebelasyon sa “2 Good 2 Be True” at panoorin ito ng advance sa Netflix Philippines o iWantTFC.

Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila

Alden may mga childhood memory na ayaw nang balikan: Because it was so painful…

Kylie nag-promise sa 2 anak nila ni Aljur: Mama is not perfect, but mama will try her best

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending