Ria Atayde kay Joshua Garcia: Happy birthday my former rumored boyfriend | Bandera

Ria Atayde kay Joshua Garcia: Happy birthday my former rumored boyfriend

Therese Arceo |October 07,2022
facebook
share this

Ria Atayde kay Joshua Garcia: Happy birthday my former rumored boyfriend

Therese Arceo - October 07, 2022 - 02:03 PM

Ria Atayde kay Joshua Garcia: Happy birthday my former rumored boyfriend
BINATI ng aktres na si Ria Atayde ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia na kasalukuyang nagse-celebrate ng kanyang birthday.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi nito ang kanilang mga larawang magkasama ng aktor kalakip ang kanyang birthday greeting.

“I’ve shared some of the most wonderful memories, and most of them we shouldn’t talk about out loud hahaha,” umpisa ni Ria.

Aniya, labis ang pasasalamat niya na naging kaibigan niya si Joshua.

“Thank you for being a true friend, a great adventure buddy and a no-questions-asked. Love you Choshuwa!” sey pa ni Ria.

Dagdag hirit pa niya, “Happy happy birthday, my former rumored boyfriend.”

Umulan naman ng pagbati para sa aktor ang Instagram post ni Ria.

“Happy birthday Joshua. You are such a true gentleman. God bless you more,” comment ng netizen.

Sey naman ng isa, ” Mas bagay kayo ni Ria. Happy birthday, Joshua!”

“Happy birthday Joshua! Ang pogi mo at sobrang galing mong aktor. You deserve a happy day today. Enjoy and God bless you more! Sana makita kita in person,” sey naman ng isa.

Matatandaang may mga lumabas na chika patungkol sa diumano’y “something” sa pagitan nina Ria Atayde at Joshua Garcia.

Amin ng dalawa, pinagtatawanan na lang nila ang mga balita patungkol sa kanilang “secret relationship” kapag naririnig nila ito.

“We laughed about it. It’s actually like something, ‘Uy rumored boyfriend halika rito.’ Like, I mean, we are friends,” saad ni Ria sa panayam niya noon sa “Pop Cinema”.

Talagang malapit lang sila sa isa’t isa na nagsimula nang makatrabaho ng aktor ang ina niyang si Sylvia Sanchez noong 2016 sa teleseryeng “The Greatest Love”.

Bukod pa rito, inamin rin ni Ria na wala talagang chance na magkaroon sila ng “something” ni Joshua.

“Josh is an attractive guy, he’s just really younger and for me it’s such a alam niyo, ‘yon? I’m 30 and Josh is what turning 25 pa lang,” sey niya sa isang interview 3 months ago para sa “Miss Piggy”.

Sa ngayon ay mukhang naka-move on na ang mga netizens sa pagpapares sa kanila lalo na’t mukhang may tumapos na ng pila at may nanalo na sa puso ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ria Atayde (@ria)

Ang YouTuber at social media influencer na si Bella Racelis na nga ang pinakabagong mali-link kay Joshua matapos ma-ispatan ang dalaga sa isa sa mga Instagram post ng binata.

Bukod pa rito, nahuli rin silang magkasama kamakailan at holding hands pang naglalakad sa loob ng mall.

Related Chika:
Ria Atayde nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Joshua Garcia: I’m super comfortable with him

Ria Atayde excited sa pagpapakasal nina Arjo at Maine: I can’t wait!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ria Atayde nagbigay ng dahilan kung bakit imposibleng maging dyowa niya si Joshua Garcia

Sylvia Sanchez pinaiyak si Ria Atayde sa presscon ng ‘Misis Piggy’: Never akong humingi ng favor para sa mga anak ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending