JULIA MONTES iwas na iwas sa tukso, ayaw masira ang career dahil sa lalaki | Bandera

JULIA MONTES iwas na iwas sa tukso, ayaw masira ang career dahil sa lalaki

Ervin Santiago - September 30, 2013 - 03:00 AM

MAS gugustuhin ni Julia Montes na magkaibigan na lang muna sila ni Enchong Dee dahil mas nae-enjoy daw nila ang ganitong klase ng relasyon – walang pressure, walang selosan, at walang away.

Sabi ni Julia sa thanksgiving presscon ng seryeng Muling Buksan Ang Puso sa Primetime Bida ng ABS-CBN, napakaganda ng samahan nila ngayong ng kanyang partner, “Yung friendship namin open na open na, okay na okay na kami, komportable po kami sa isa’t isa, so kumbaga hindi na namin naaalala ‘yung mga ano man dati.”

“Tsaka mas masaya po kami kung anong meron sa amin ngayon so ‘yun muna namin yung ini-enjoy namin ngayon,” sey pa ng Kapamilya actress na mukhang mas type munang maging single kesa magkaroon ng dyowa.

Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng Muling Buksan Ang Puso, sinabi ni Julia na napakarami niyang natutunan sa kanyang mga kasamahan sa serye, lalo na kina Agot Isidro at Cherie Gil, “Sa pagiging artista po siguro hindi pwedeng iisa lang ‘yung atake mo at kada artistang makakatrabaho mo hindi sila pare-pareho po.

“So this show po natutunan ko na kung ka-eksena ko si Ms. Agot, iba siya kung ka-eksena ko si Ms. Cherie, iba po ‘yung intensity nilang dalawa so ‘yun po ‘yung natutunan ko na hindi ako pwedeng masanay sa isang level lang po,” paliwanag pa ng dalaga.

Diretso namang sinabi ni Julia na nahirapan talaga siya sa kanyang karakter sa serye bilang si Sarah, “May ugali po kasi akong pag nagti-take, pag-hindi ko po nararamdaman kahit na umiiyak na ako pinapa-cut ko po kay direk, tapos sasabihin ko ‘Direk pwede po cut?

Pwede isa pa? Tapos iisipin ko na ano ‘yung nangyayari sa character ko, ifa-flashback ko kung anong nangyari bago mangyari ang scene na ‘yun kung bakit umabot sa punto na ‘yun.”

Dugtong pa niya, “Before po aminado naman po ako na humugot ako sa totoong nangyari sa buhay ko pero ngayon po mas affected ako bilang character na kumbaga nadadala ako.”

“Pero may time talaga na nabablagko ako, lalo na pag may ka-eksena po akong veteran. Every time na sinsabi na magti-take na tayo ito ‘yung sequence kasama mo si Ms. ganito or Mr. ganito, ‘Oh my gosh ito na parang iniisip ko na kung papaano ko ibabato ‘yung lines, parang super conscious po ako noon kung paano siya bibitawan.”

Pero base sa mga nababasa namin at naririnig na komento mula sa mga manonood, puro papuri ang natatanggap ni Julia sa magaling na performance niya sa Muling Buksan Ang Puso. Hindi siya nagpapalamon sa mga veteran stars na mga kaeksena niya.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending