Reunion concert ng Eraserheads limitado lang sa 50k lucky fans
TILA paunahan nalang sa pagbili ng tickets ang fans ng iconic band na Eraserheads para sa nalalapit na reunion concert.
Bukas, October 5, sisimulan ang bentahan ng tickets para sa ‘Huling El Bimbo Concert,’ pero sabi sa post, limitado lang ito sa 50,000 fans.
Ika nga ng banda, “Parang sweepstakes?”
“May milyon-milyong Eraserheads fans, pero 50,000 lang ang makakasama namin sa Huling El Bimbo Concert 2022. Isa ka ba sa kanila?” anila.
“Ticket sales start on October 5!”
Kahapon inanunsyo ang presyo ng tickets na nagkakahalaga mula P3,050 para sa bronze section.
P5,480 para sa silver.
Nasa P9,740 naman ang gold.
Ang platinum nasa P12,180.
P14,610 naman ang VIP ticket.
Habang ang pinakamahal na moshpit ay nasa P17,260.
Mangyayari ang concert sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City sa December 22.
Taong 1989 nang mabuo ang Eraserheads, habang nag-disband ang grupo noong 2002.
Pinasikat nila ang mga kantang “Pare Ko,” “Magasin,” “Huling El Bimbo,” at marami pang iba.
Matatandaang noong nakaraang taon, Sinabi ng frontamn ng banda na si Ely Buendia na posible ang Eraserheads reunion kung tatakbo si Dating Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo.
Pag tumakbo si Leni https://t.co/MXy0Y7JAio
— Ely Buendia (@elybuendia9001) September 28, 2021
Read more:
Gitarista ng Eraserheads na si Marcus Adoro nag-sorry sa pamilya at mga ka-banda: ‘Pasensiya na…’
Miyembro ng Eraserheads inireklamo ng netizens, wag daw isama sa reunion concert
#HulingElBimbo: Reunion concert ng Eraserheads tuloy na tuloy na sa Disyembre
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.