Australia hinirang na ‘male supermodel’ sa 2022 Manhunt International contest | Bandera

Australia hinirang na ‘male supermodel’ sa 2022 Manhunt International contest

Armin P. Adina - October 01, 2022 - 08:07 PM

Australia hinirang na ‘male supermodel’ sa 2022 Manhunt International contest

Manhunt International winner Lochian Carey of Asutralia (center) holds his trophy, together with (from left) fifth place Cas Hagman of the Netherlands, second place Joshua De Sequera of the Philippines, third place Elijah Zanten of the USA, and Tranh Manh Kien of Vietnam./ ARMIN P. ADINA

SI Lochian Carey ng Australia ang nagwagi sa 2022 Manhunt International contest na itinanghal sa The Fountain sa Okada Manila sa Parañaque City ngayong Oct. 1, at inaasahang maging susunod na male supermodel makaraang lumihis sa modeling ang patimpalak ngayong taon.

Dinaig niya ang 33 iba pang kalahok sa ika-21 edisyon ng international contest, na itonanghal muli makaraang magpahinga noong 2021 dahil sa COVID-19 pandemic. Ginawa ang ika-20 edisyon noong Pebrero 2020, sa Maynila rin, bago tumigil ang mundo dahil sa global health crisis.

Si Paul Luzineau ng Netherlands ang nagwagi noong 2020.

Tinanggal na ang national costume competition ngayong taon, na kalimitan nang ginagawa sa global pageants, at sa halip ay nagkaroon ng isang “high fashion” segment. Sinabi ni Manhunt International Executive President Rosko Dickinson sa Inquirer sa isang interview na hudyat ng paglihis nito sa fashion ang pagyakap nito sa modeling. “We are not a pageant,” aniya.

Pinasok naman na ng mga winner at dating contestants ng patimpalak ang mundo ng modeling mula nang itatag ang Manhunt International noong 1993, ang ilan pa nga nakasabak na sa international scene. At dahil nga dito, sinabi ni Dickinson na lohikal lang ang pasya nila na “embrace fashion and modeling.”

 

Pumangalawa kay Carey si Joshua De Sequera ng Pilipinas, anak ng Pinay supermodel at beauty queen na si Marina Benipayo.

Nananatiling nag-iisang Pilipining nagwagi bilang Manhunt International si June Macasaet, na dinaig ang 52 iba pang kalahok sa contest noong 2012 sa Bangkok.

Pasok din sa 2022 circle of winners sina third place Elihah Van Zanten, fourth place Tranh Manh Kien of Vietnam, at fifth place Cas Hagman of the Netherlands.

Ito ang ikatlong pagkakataon na sa Pilipinas itinanghal ang Manhunt International competition. Maliban sa ika-20 at ika-21 edisyon, sa bansa ginawa ang patimpalak noong 1999 para sa ika-anim nitong pagtatanghal.

Other Chika:
Catriona Gray napiling judge sa reality show na Supermodel Me; may movie offer kasama si Sam Milby

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim Chiu nag-absent muna sa ‘Showtime’ para maglamiyerda sa Disney World: Had so much fun, super! Pero struggle is real!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending