Barbie Imperial sa nagsabing si AJ Raval ang nagwagi sa puso ni Diego: Ako kaya ‘yung dyinowa | Bandera

Barbie Imperial sa nagsabing si AJ Raval ang nagwagi sa puso ni Diego: Ako kaya ‘yung dyinowa

Reggee Bonoan |September 30,2022
facebook
share this

Barbie Imperial sa nagsabing si AJ Raval ang nagwagi sa puso ni Diego: Ako kaya ‘yung dyinowa

Reggee Bonoan - September 30, 2022 - 01:53 PM

Barbie Imperial sa nagsabing si AJ Raval ang nagwagi sa puso ni Diego Loyzaga: Ako kaya ‘yung dyinowa
SA latest vlog ni Barbie Imperial na Seafood mukbang ay binabasa niya ang lahat ng comments sa kanya na kahit gigil na siya sa mga pinagsasabi ay sinasagot pa rin niya ito ng maayos.

Komento ng netizen na si Cathe Rin ay, ‘Ang mga kabataan ngayon ang bilis talaga magsawa sa relasyon. Sadly parang wala na talagang value ang relationship and commitments in today’s generation.”

Sabi ni Barbie, “Totoo! I totally agree na ngayon ay parang wala-wala na lang. Wala nang moving on stage. Wala nang grieving period na three months na rule ganyan. Parang respect sa naging ex (partner) mo.”

Sabay biro, “karamihan sa mga tao, karamihan sa ex ko, ha, ha, ha parang walang respect.

“Parang hindi na uso ngayon. Ako kasi binibigyan ko ng time. Iniisip ko pa rin ‘yung feeling ng ex ko na ‘ano kayang mapi-feel ni ganito kung pumasok ako sa (relasyon) o mag-date ako kaagad?’Cathe Rin hindi ako nagagalit sa ‘yo, shout out sa ‘yo, tama ka.”

Say naman ni Ria Dael Anievas, “Sadyang malandi lang talaga si Barbie.”

“Malandi talaga ako sa isang tao pag in a relationship ako. Nilalandi ko talaga ng sobra ang boyfriend ko. Pero Ria hindi ako malandi, hindi ako ang tipo ng babaeng agad-agad kerengkeng agad… hindi ako ganu’n. Mag DM ka sa akin sabihin mo kung bakit ako malandi tapos magre-reply po ako sa iyo,” hamon ni Barbie sa netizen.

Galing kay netizen Melody Torcuator Lumague, ‘Ipinagtatanggol mo pa ‘yung dyowa mo noon, maghihiwalay din pala kayo ha, ha, ha.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)

“Totoo. Guys bati na kami ni Xian Gaza (self-proclaimed lalaking marites). Hindi naman daw siya sa akin galit kundi sa ex ko (Diego Loyzaga). In fairness naman kay Xian hindi ako ang target niya. Siyempre ganu’n pag nagmahal ka, you’ll do everything to protect at ganu’n din ako sa mga taong mahal ko not only to my boyfriend but to my family na kapag tinatarget talaga sila, ako talaga ‘yung bumu-buwelta,” katwiran ni Barbie.

Mula naman kay Madelyn de Zamboanga, ‘AJ Raval wins in Diego’s heart.’

“AJ Raval, wins in Diego’s heart? Talaga ba? Ako kaya ‘yung dyinowa, paano siya nanalo, ha, ha, ha?” say ni Barbie sabay kain malaking hipon.

Dagdag pa, “pero ako naman ‘yung iniwan, ha, ha, haha. Bati na kami ni AJ Raval kasi nag-message siya sa akin tapos nag-usap kami, okay naman na.”

Oo nga, paano nanalo si AJ kay Diego hindi naman naging sila at walang inamin ang dalawa tungkol rito?

Na-link sina Diego at AJ nang magsama sila sa pelikulang “Death of A Girlfriend” na napapanood ngayon sa Vivamax mula sa direksyon ni Yam Laranas.

Samantala, nilinaw ni Barbie na never siyang naging kabit sa naging karelasyon niya.

Related Chika:
Barbie itinangging buntis, humirit kay Diego: Ako nga pala yung sinayang mo! Ha-hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie: Minsan nagkakapikunan din kami ni Diego, mapang-asar kasi siya!

Barbie Imperial sa mga iniwan, sinaktan ng dyowa: OK lang na masaktan, tao lang naman tayo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending