Kristoffer Martin binago ni Lord ang buhay mula nang mag-asawa: May magic ang kasal, akala ko dati title lang siya, hindi pala | Bandera

Kristoffer Martin binago ni Lord ang buhay mula nang mag-asawa: May magic ang kasal, akala ko dati title lang siya, hindi pala

Ervin Santiago |September 29,2022
facebook
share this

Kristoffer Martin binago ni Lord ang buhay mula nang mag-asawa: May magic ang kasal, akala ko dati title lang siya, hindi pala

Ervin Santiago - September 29, 2022 - 07:47 AM

Kristoffer Martin binago ng Diyos ang buhay mula nang mag-asawa: May magic ang kasal, akala ko dati title lang siya, hindi pala

Kristoffer Martin, AC Banzon at Precious Christine

NAPATUNAYAN ng Kapuso actor at singer na si Kristoffer Martin na totoo ang konsepto ng “destiny” pagdating sa usaping pag-ibig.

Ibinalita ni Kristoffer sa ilang miyembro ng entertainment media kamakalawa na mahigit pitong buwan na silang kasal ng asawa niyang si AC Banzon.

Ayon sa Kapuso star, napakarami niyang natutunan sa mga pinagdaanan niya sa buhay, lalo na sa pakikipagrelasyon at sa pagkakaroon ng sariling pamilya.

In fairness, pang-“Magpakailanman” din ang love story nina Kristoffer at AC na pinagtagpo ng tadhana, naging magdyowa nang pitong taon at nagkahiwalay noong December, 2020.

Makalipas lamang ang ilang buwan, inamin ni Kristoffer sa publiko na meron na siyang anak, si Precious Christine o “Pre,” na ngayon ay limang taong gulang na.

Pagsapit ng November, 2021,  kasabay ng kanyang ika-27 kaarawan ay ibinahagi naman ni Kristoffer na nagkabalikan sila ni AC hanggang sa magpakasal na noong February 3, 2022.

“I think what happened po in the past was a big lesson talaga. For me kailangan ko siyang pagdaanan. ‘Yung contentment ko ngayon iba, sa family ko, sa wife ko, sa anak ko.

“Kung hindi po dumaan ‘yung mga dumaan sa buhay namin before, ‘yung contentment na nararamdaman ko ngayon hindi po ganito,” ang sabi ng aktor sa virtual mediacon para sa bago niyang single under GMA Music, ang “Di Ba?”

View this post on Instagram

A post shared by Kristoffer Martin (@kristoffermartin_)


Aniya, talagang inihanda raw siya ng Panginoon para sa isang napakaganda at maayos na pamilya, “Pini-place talaga lahat ni Lord ang mga bagay na mangyayari sa buhay natin, nasasaiyo na lang kung paano mo siya makikita.”

Sabi pa niya sa mga pagbabago sa kanyang buhay mula nang siya’y ikasal, “Iba once may blessing talaga from the Lord, mag-iiba talaga lahat ng takbo.

“Mas naging understanding kami sa isa’t isa, ‘yung mga away po namin dati ngayon sobrang liit na lang, tapos ang dali pong mag-sorry sa aming dalawa.

“Sabi ko, ‘May magic ‘yung kasal e’ no!’ Akala ko dati title lang siya, hindi po pala. ‘Yun ang pinakamalaking bagay na nagbago sa amin, ang bilis naming mag-sorry sa isa’t isa,” pahayag pa ng young daddy.

Samantala, tuluy-tuloy na ang pagpo-promote ngayon ni Kristoffer para sa pinakabago niyang single under GMA Music, ang “‘Di ba?” na iri-release na ngayong Biyernes, September 30.

Nagpasampol pa ang aktor at singer sa members ng press, “Ito ‘yung first single ko na talagang masasabi kong may ambag ako. Hindi lang basta kinanta.

“Thank you GMA Music for this opportunity. And to my management (Sparkle GMA Artist Center) for being with me from the beginning of this project,” ani Kristoffer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Available na ang pre-order para sa “Di Ba” sa iTunes hanggang September 29.

Liezel at Kristoffer, hiwalay na!

Kristoffer Martin napaiyak sa pagiging born-again Christian: ‘Surrendered. Delivered…’

Heaven, patuloy na trending sa socmed; DJ Chacha binatikos sa pag-epal sa relasyon ng iba

Cesar sa bashers: Hintayin na lang po natin kapag nakaupo na si Sen. Robin, it’s unfair to judge him now

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending