Babala ni Skusta Clee sa mga mambabastos sa kanya habang nagpe-perform: May lilipad na mic sa mukha mo | Bandera

Babala ni Skusta Clee sa mga mambabastos sa kanya habang nagpe-perform: May lilipad na mic sa mukha mo

Ervin Santiago |September 28,2022
facebook
share this

Babala ni Skusta Clee sa mga mambabastos sa kanya habang nagpe-perform: May lilipad na mic sa mukha mo

Ervin Santiago - September 28, 2022 - 08:15 AM

Babala ni Skusta Clee sa mga mambabastos sa kanya habang nagpe-perform: May lilipad na mic sa mukha mo

Skusta Clee

DINENAY ng controversial rapper at singwriter na si Skusta Clee na may mga nambastos sa kanya habang nagpe-perform sa isang music festival.

May mga kumalat kasing chika na may mga taong namburaot at nang-okray sa kanya sa naganap na Hiraya Music Festival sa Camarines Sur kamakailan.

May mga nag-post sa social media na hindi raw napigilan ng ilang taong nasa audience ang sigawan siya at batuhin ng masasakit na salita na may kaugnayan pa rin sa umano’y panloloko niya sa dating partner na si Zeinab Harake.

In fairness, may mga nagtanggol naman kay Skusta Clee tulad ng Facebook page na “Rapper sa Pinas”.

Ibinahagi niya ang litrato ni Skusta na may caption na, “Di naman sa pinagtatanggol ko to . Kapag ganyan dapat labas natin yung issue dyan. Binayaran ‘yan para mag-perform hindi para bastusin n’yo.

“Kung di mo gusto eh di wag ka manood. Respetuhin natin ang mga artist. Talento yung binayaran diyan hindi yung kung ano man.

“Wala namang pilitan kung ayaw manuod eh. Tsaka saka ka na manghus(g)a kung hindi ka pa nakakagawa ng pagkakamali at perpekto ka. Doon lang tayo sa katotohanan.”

View this post on Instagram

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)


“Haha. Trabaho lang. Bayad ‘yan para kumanta. Kung ayaw manood wag pumunta. Trabaho lang yun na yun,” ang kabuuang mensahe ng nasabing FB page.

Ni-repost ito ni Skusta Clee sa kanyang Facebook account at nilinaw ngang hindi naman daw siya nabastos sa nasabing music event.

Sa isinulat nga niyang caption, parang nagbanta pa ang rapper sa sinumang magtatangkang mambastos sa kanya habang nasa stage.

“Hindi ako nabastos! Saya kaya namin! Saka di uubra sa akin bastusin ako kasi may lilipad na mic sa mukha mo pag nagkataon,” ang maikli ngunit makahuluhang pahayag ng sikat na rapper.

Kung matatandaan, hindi ito ang unang pagkakataon na nabalitang may nambastos kay Skusta sa isang music festival.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May kumalat na chika na may naranasan din umanong panghihiya at pang-ookray si Skusta sa Aurora Music Festival na ginanap sa Clark, Pampanga noong Hunyo.

Skusta Clee basag na basag sa fans ni Zeinab Harake matapos mag-tweet ng, ‘Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala’

Skusta Clee nag-walk out daw sa music festival, organizer dumepensa: Wala pong nangyaring ganu’n

‘Not my baby’ post ni Skusta Clee; sino nga ba ang pinatatamaan?

K Brosas hinipuan sa boobs habang nagpe-perform; Ethel Booba laging napagkakamalang beki

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending