Willie ititigil na ang live streaming ng ‘Wowowin’ sa socmed, may pa-update sa ALLTV shows
NAGDESISYON si Willie Revillame na ihinto ang live streaming “Wowowin” sa Facebook at YouTube na nagsimula na nga nitong Lunes, September 26, 2022.
Ito ay dahil napagkasunduan nila ng AMBS management na mag-focus ang publiko sa panonood sa ALLTV.
“Wala tayong Facebook at YouTube ngayon kasi ang gusto namin ng AMBS management ay nakatutok kayo sa TV,” saad ni Willie.
Dagdag pa niya, “Ang hirap manood sa cellphone kung kayo ho ay nasa biyahe.”
Bukod rito ay nagbigay rin ng update si Willie sa mga maaari pang abangan ng publiko na daily noontime show at Sunday variety show ng ALLTV maging ang mga bagong studio nito sa Starmall.
Dagdag pa niya, malapit na ring mapanood ang weekly program ni Anthony Taberna na mapapanood tuwing Sabado.
View this post on Instagram
“May mga pagbabago itong October at November sa ALLTV. Abangan niyo sa announcement kung ano po iyan at ang mga bagong programa,” lahad ni Willie.
Pagpapatuloy niya, “Si Ka Tunying po, si Anthony Taberna, magkakaroon siya ng programa every Saturday. Ang importante ho, malalaman ninyo ang programming na ginagawa natin.”
Bukod rito ay nabanggit rin ni Willie na magbabalik na siya sa pagre-record ng bago niyang album.
“May ginagawa kami ni Vehnee Saturno ng bagong album. Ang carrier single ng album, ‘Ingat Ka’ ang pamagat.
“Ang ganda ho, ni-record ko kagabi. Yung mga kanta ko, yung iba diyan, gawa ni Vehnee,” sey ni Willie.
Bukod kay Vehnee, ang iba raw sa kanyang mga kanta ay isinulat rin ni Lito Camo at mayroon rin daw ginawa ang Kapamilya TV host-singer na si Ogie Alcasid.
“Ilang taon akong hindi nakagawa ng album, six or seven years yata ako na hindi nakagawa ng mga bagong kanta. So, medyo sinisipag kami ni Vehnee at ni Lito,” kwento pa ni Willie.
Aniya, ilo-launch raw nila ang mga bagong kanta na ka ilang pinagpaguran sa darating na Sabado, October 1.
Related Chika:
Willie Revillame: Hindi ko kayang pumirma sa GMA tapos nagta-trabaho ako sa ibang channel
Neri Miranda kinilabutan sa paggawa ng kanta ni Moira at Ogie: Mga henyo!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.