Piolo pangarap makatrabaho sina Ate Guy, Bea, Anne at Maja; magiging super busy hanggang 2023
KAMI ang napagod at na-stress habang nagkukuwento ang Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual sa mga proyektong tinatapos niya ngayon at sa mga nakatakda pa niyang gawin pagpasok ng 2023.
Hataw kung hataw ang award-winning Kapamilya actor sa kanyang showbiz career na literal na matatawag na “Piolo…ang lalaking walang pahinga.”
Sa mediacon ng Beautederm Corporation ni Rhea Anicoche Tan para sa muli niyang pagpirma bilang brand ambassador, ikinuwento nga ni Papa P kung gaano siya ka-busy ngayon.
Bukod sa ginagawa niyang pelikula na “Moro” ni Direk Brillante Mendoza kasama sina Baron Geisler, Laurice Guillen, Christopher de Leon, Beauty Gonzalez, Felix Roco, Ina Feleo at Joel Torre, ay may tatlo pa siyang tatapusing pelikula.
Ayon kay Piolo, hindi pa nila natatapos ang “Moro” dahil nga nagkapandemya. May natapos na rin siyang isang movie last year na idinirek ni Paul Soriano, kung saan kasama naman niya si Jasmine Curtis.
“And then I’m doing three movies, one after the other. Come January until maybe March. I was supposed to do one with Direk Irene Villamor, this is with Bianca Umali. We’re still working on the script.
“And then I have one with Thop Nazareno, and there’s another one, hopefully, there’s an inquiry to do a musical, a show for CCP. Hopefully,” lahad pa ni Papa P na excited na ring magbalik-teatro ni Piolo, kung saan siya nagsimulang umarte.
Sa darating na January, 2023, may gagawin din daw siyang series para sa Netflix, bukod pa ito sa bago niyang project sa ABS-CBN.
View this post on Instagram
“Patung-patong po talaga, pero hopefully magawa ko (stage play). But I really wanna do this show because when I was in high school, I saw this straight play of Kanser at FEU.
“It’s now offered to me and I really wanna do it. Hopefully, I get to do it with the given short period of time for rehearsals,” sabi ni Piolo.
Tuloy na rin ang concert tour nila ni Jericho Rosales sa darating na Nobyembre, “We’re doing maybe six to eight shows in Canada and the States. And there’s already one in May. So, I usually do my tour twice a year. Holy Week, Lenten season and Halloween. Ganu’n pa rin.”
Samantala, inisa-isa rin ng aktor ang mga artistang gusto pa niyang makatrabaho, “Marami po. Marami po, si Ate Guy (Nora Aunor) nga, hindi ko pa nakakatrabaho, e.
“And also Janine Gutierrez, I haven’t worked with her. It was a blessing that I got to work with Lovi Poe na napakagaling. And then I was talking to Bea (Alonzo), I hope we get to do something again. And even with Jericho, I mean you know my peers in the industry.
“Even with Anne Curtis. Napakaliit ng industriya, sana maka-partner ko sila, even with Maja (Salvador). Mga ganun, na magagaling talaga,” pahayag ni Papa P.
https://bandera.inquirer.net/324856/piolo-naiinggit-din-sa-mga-kaibigang-may-pamilya-na-pero-anong-magagawa-natin-mas-mahal-ko-ang-halaman-joke
https://bandera.inquirer.net/287291/alden-umaming-nag-alangang-gawin-ang-the-world-between-us-bakit-kaya
https://bandera.inquirer.net/289377/donny-belle-sa-pagbabalik-ng-abs-cbn-sa-free-tv-hopeful-pa-rin-kami-positive-lang-tayo
https://bandera.inquirer.net/287950/jessy-pag-may-anak-na-gusto-ko-ako-yung-magluluto-ako-yung-magdadala-at-susundo-sa-kanila-sa-school
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.